Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsPAGPTD binigyan ng mga paraan ang pulisya sa pagsugpo ng krimen

PAGPTD binigyan ng mga paraan ang pulisya sa pagsugpo ng krimen

NAGING mabunga ang pulong na isinagawa ng Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development (PAGPTD,) sa City of Malolos, kamakailan.

Nagpasalamat sa naturang okasyon si P/Col Relly B. Arnedo, Police Prov’l Director ng Lalawigan ng Bulacan, sa suportang ibinibigay ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa PNP, kay Atty. Arlene Castro –Co, Chairperson ng PAGPTD at sa lahat ng miyembro ng Advisory Group sa nasabing lalawigan.

Ilan sa nasabi ni Arnedo, ay ang kakulangan ng bilang ng kapulisan, kailangan mag-recruit pa, partikular sa Bulacan. Wika pa niya na nangunguna ang Region 3 sa implementasyon ng mga programa ng PNP, at malaki na ang ibinababa ng krimen sa Lalawigan. Suggestion niya sa Advisory Group.na i-konsider ang panukala na istraktura sa PNP. Enhance the human capability at ilagay ang maneuver Special Weapons and Tactics (SWAT) sa Police station.

Gayundin nagpasalamat si Atty. Arlene Castro –Co, Chairperson ng PAGPTD, wika niya na kailangan tulungan ang PNP, dahil iyun ang ating purpose. Tutulungan din niya na i-endorse sa NAPOLCOM ang structuring ng PNP, na nais ni P/Col Arnedo.

“Nais kong makaiwan ng magandang legacy sa PAGPTD,” sa pagtatapos ni Atty. Castro-Co.

Ang ‘Advisory group o Council’ ay binubuo ng mga respetadong miyembro mula sa akademya, relihiyon, MEDIA, negosyo, kabataan at iba pang sector ng lipunan. Sila ay mga boluntaryong sumusuporta sa isang organisasyon tulad  ng sa PNP. Tumutulong sa pulisya sa pagtukoy ng priyoridad at estratehikong isyu o suliranin alinsunod sa PNP ITP-PGS (PATROL Plan 2030) at magbigay ng mga pananaw sa paghahanay ng mga patakaran, plano at programa ng PNP sa mga pangangailangang pampulitika, sosyo-ekonomiko, kultura at moral na pag-unlad ng organisasyon. Ang inyong Katropa ay napili na mapabilang sa PAGPTD.

Tsk! Tsk! Tsk! Damang dama ng Katropa ang pagiging masigasig ng Advisory group na matulungan ang PNP, partikular na sa pagresolba ng krimen. Nagbigay sila ng kuru-kuro, payo at ilang hakbangin kung paano maiiwasan, matutop at maapula ang mga kriminal na magnakaw sa isang pamilihan.

Kung may mga CCTV cam lamang, ika ng isang miyembro ng Advisory group, ay madaling makikilala ang mga kawatan. Iminungkahi naman ng inyong Katropa bilang karagdagan, na ang Advisory group ay magpadala ng panukala sa lahat ng LGU na gumawa ng ordinansa na ipagbawal ang pagsusuot ng helmet o maskara kapag papasok sa isang ‘convenience store, Mall’ o sa anumang pribadong pamilihan. Dahil kahit na may CCTV cam, kung nakamaskara o nakahelmet ay mahirap mamukhaan ang isang kriminal.

Pasalamat tayo sa magagaling na emcee sa nasabing pulong na sina P/Cpl Michelle Miranda at P/Cpl John Mickey Tan. Gayundin ang maayos na pagpapatupad ng peace and order sa bayan ng Pandi, sa pamamahala ni Chief P/Lt. Col. Gilmore Wasin at kanyang mga tauhan. Mabuhay ang lahat! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments