USO ngayon ang pagsusuot ng crop top ng mga kalalakihan. Isa na rito ang husband ni Jennylyn Mercado na si Dennis Trillo.
Ang daming naaliw sa pagsusuot ng crop top ng actor habang nasa Tokyo Disney ang mag-asawa.
Ayon sa netizens ay bagay umano sa aktor ang crop top outfit kesa sa two time gold Olympian na si Carlos Yulo.
Pero, hindi pala doon nagtatapos ang pagsusuot ng midriff outfit ng Kapuso aktor.
May post na naman siya sa kanyang Instagram Page na naka-crop top na may dalawang kasama.
Ang caption, “Hello mga kapusod!”
Una nang nagkomento ang misis niyang si Jennylyn.
“Naghalungkat ka nanaman ng closet ko! Ibalik mo yan ha?”
Ang sagot ng aktor: “pahiram lang naman!”
“Gigil aq kay col yuta kaya lang bgla q naalala suot nya crop top sa disney land natatawa q”
“Col yuta pag wala sa duty”
“Hala yung napagliitan ni @jennylynmercado”
Mukhang hindi nga titigil sa crop top outfit ang aktor hanggat hindi niya nauubos ang biniling midriff sa Tokyo Disney tulad ng sinabi niya sa komento.
May isang netizen kasi ang nagkomento na tigilan na niya ang crop top outfit though natatawa raw siya ay nandidiri siya at naninindig ang kanyang balahibo.
Sagot nga ng aktor, “sori po pero nakabili na ko ng marami”
Yun na!!! (UnliNews Online))