INIHAYAG ni Willie Revillame kung ano talaga ang nag-udyok sa kanyang tumakbo bilang Senador. Sa interbyu ng OnePh’s “The Big Story,” inihayag ng TV host kung bakit siya tumakbong senador.
Aniya, nagdecide umano siyang tumakbo sa last minute ng filing ng Certificate of Candidacy. Pagkatapos niyang magfile ng kanyang candidacy for senator, inilahad niya kung bakit siya nagdesisyon tumakbong senador.
“What changed your mind? Naalala ko sinabi nyo nung panahon na yun na ‘naku magulo sa pulitika, nag-aaway-away yung mga tao, ayaw nyong makigulo dun. Pwede na kayo dito kasi nakakatulong sa programa ninyo, sa araw-araw na trabaho ninyo, bakit po?” ang tanong ni Gretchen Ho sa TV host.
“Kasi dun sa studio ng ‘Wil to Win’, it’s only about 600 people every day. So ang natutulungan mo, di mo naman natutulungan yung lahat ng 600 na yun, so yung budget mo sa tulong, limited.
And then nung nakita ko yung awayan ng awayan dun sa congress, awayan ng awayan sa senado, nagiging kawawa ang mga Pilipino. Ito yung mga taong ibinoto, ito yung mga taong pinagkakatiwalaan.
Pero nakakalimutan yung mga kawawang kababayan natin. So I thought baka makatulong ako kahit papano at siguro makikipag-away ako sa senado kahit kanino para sa mahihirap,” sagot ni Kuya Wil.
“Kelan nyo po napagdesisyunan na with finality na ‘o sige game na nga’ kasi buzzer beatrer po kayo dun sa filing,” ani ng host.
“You want to know the truth? Kanina lang. Hanggang nandun ako sa may Rizal hotel, I’ll be honest, napaiyak pa ako, paurong na ako eh, pero may mga kumausap sa akin, siyempre eto na yung chance,” esplika ng TV host. (UnliNews Online)