Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionFleet Week Celebration at AI Technology Center in SanFo

Fleet Week Celebration at AI Technology Center in SanFo

CALIFORNIA’S San Francisco is an exciting city to visit. Sa aking pagbisita sa U.S.A. ay namangha ako sa Annual Fleet Week celebration ng syudad na ginaganap sa tuwing huling linggo sa buwan ng Oktubre. Ang San Francisco Fleet Week ay isang malaking civic event ng West Coast na may tinatayang mahigit sa 1.2 milyon na bisita sa Bay area ang dumadalo. Ang isang linggong selebrasyon na ito ay nagsimula noong 1981 at pinangunahan ng dating US Senator Dianne Feinstein.

Napa-wow ako sa parada ng mga barko at air show na nag-pasiklaban ang mga eroplano sa kanilang galing sa pag-manuever at ingay ng paglipad. Ito ay kumpletong linggo ng pag-papakita sa publiko ng mangha mula ‘land-sea-air’. May exhibitions ang mga ahensya ng estado sa mga serbisyong kanilang ibinibigay sa tao mula sa harap ng marina bay area kung saan pinakikita ang pagiging eksperto sa kani-kanyang larangang gaya ng US Navy, Marine, Air-Force, Coast Guard, Civil Service support at mga volunteers. Mayroong mga kubol at aktwal ng pag-papakita ng serbisyo at mayroon ding ‘AI induced’ na simulations ng kanilang modernong kagamitan.

DINAGSA ng manonood ang “Fleet Week” sa San Francisco, CA., ang celebration na ito ay taunang ginaganap sa tuwing ika-huling linggo ng Oktubre. Tinatayang 1.2 milyon ang bumisita ngayon taon para saksihan ang gilas ng US Armed Forces. Ang air show, parada ng barko at mga community events ay isang malaking bahagi sa kultura at ekonomiya ng bansa. Ang grupo ay nagbibigay rin ng training at programang edukasyon sa mga sibilyan at pwersang military ng amerika na nakatuon sa gawi at pagtulong sa kapwa. (file photo)

Kumpara sa ibang lugar ng California na aking binisita, ang SanFo ay kilala bilang isang taga-panguna sa technology advancement sa US. Kilala bilang ‘innovation hub’ na kung saan ang Silicon Valley ang naging sentro ng malalaking technology at software companies gaya ng Apple, Google at Meta. Ang ‘growing communities’ ng AI gaya ng Hayes’ ‘Cerebral Valley’ ay top choice din ang lugar para sa kanilang start-up operations.

Kamangha mangha ang ‘driverless taxi’ na paikot-ikot sa syudad. Ang ‘Waymo One’ ay isang ‘AI induced’ na ‘robotaxis’. Saan ka pa? marami na ang tumatangkilik sa driverless taxi na ito at feeling safe sila pag ito ang kanilang sinasakyan dahil walang human intervention na maaring mang-harass sa pasahero. Mula sa Union Square hanggang sa Serramonte Center ang ikot ng Waymo, ito ay gawa sa electric Jaquar I-PACE na purong AI lang ang nagpapatakbo. Mayroon nang naitalang 2 milyon na pasahero ang sinerbisyuhan ng Waymo mula nang ito ay napasinayan na maging public transportation ng syudad.

Dahil sa tinatamong popularidad ng technology na ito ay balak ng ibang estado gaya ng New York na umpisahan ang ganitong transportation para pagsilbihan ang publikong mananakay. Naku sana dito sa ating bansa, imbes na bangayan sa pamumulitika ay dapat pagtuunan ng pansin ang paggawa nang batas sa modernong pamamaraan ng pagbibigay serbisyo sa ating mamamayan, mapapa-sana ‘ol’ ka na lamang.

Sa aking pagbisita sa mga kaklase, kaibigan at mga kababayan sa Amerika, ay na-witness ko at napag-alaman ang lumalaking Filipino Community sa bansa. Nagpapatunay lamang sa Magandang Samahan at respeto ni Uncle Sam sa ating mga kababayang Pinoy. Matatandaang ating sine-celebrate ang ika 80th Battle of Leyte Gulf na nangyari sa huling linggo ng Oktubre noong 1944. Ang Fil-Am history month na ito ay nag-papaalala sa atin ng kahalagahan ng ‘historic landing ni Gen. Douglas MacArthur sa Palo, Leyte noong ika 20 ng Oktubre 1944. Na naghudyat bilang ‘alliance commitment’ ng dalawang bansa.

Ang partnership ng dalawang bansa ay nagresulta sa pinalakas na relasyon mula security at defense cooperation, economic at iba pang aspetong may interes ang bawat bansa lalo na sa pag-modernize mga kagamitan sa manupaktura, edukasyon, pag-nenegosyo at pagpapalakas ng depensa sa ating Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas gamit ang advance AI Technology. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments