Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionProblema sa irigasyon ng NIA Region 3 at proyekto sa agrikultura, inilahad

Problema sa irigasyon ng NIA Region 3 at proyekto sa agrikultura, inilahad

INILAHAD at binusisi ang mga proyekto at problema ng National Irrigation Administration (NIA) Region 3 sa mga irigasyon at agrikultura sa katatapos lang na ika-22 episode ng Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency (PIA) na ginanap sa NIA Region 3 Farmers Training Center, Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Oktubre 22, 2024.

Ibinahagi ni Engr. Josephine B. Salazar, Regional Manager ng NIA Region III ang kanilang mga programa at inisyatibo para sa lalong pagpapabuti ng kalagayan ng mga irigasyon sa Central Luzon at kung paano nakakatulong ang ahensiya sa sektor ng agrikultura.

Sa naganap na talakayan kung saan naging saksi ang inyong abang lingkod, hinimay din ni Engr. Salazar, ang mga napagtagumpayan nilang proyekto maging ang mga inilalapat na problemang natatanggap ng kanilang tanggapan.

Isa rito na nakatuon ang ahensiya ay tungkol sa irigasyon irigasyon na walang patumangang sinasakop ng mga kabahayan na nagmistulang mga kanal na lamang ang noo’y malawak na patubig na siyang nag uugnay sa mga ilog at sapa patungo sa mga taniman o sakahan.

ENGR. Josephine B. Salazar, Regional Manager ng NIA Region III at PIA Region 3 head William Beltran sa ginanap na ika-22 episode ng Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency (PIA) kamakailan. (Kuha ni Verna Santos)

Ayon kay Engr. Salazar patungkol sa pagsasaayos o pag-demolis sa kabahayan at mga nakaharang sa bahagi ng irigasyon ang kanilang tanggapan ay waling police power o karapatan kung kaya’t ito ay kanila lamang ibinaba sa mga mayor’s at mga kapitan upang bigyan ng babala ang sinoman sumakop na ito ay kanilang ng lisanin nang sagayon ay masimulan ng linisin upang manumbalik na sa dati nitong anyo.

Ang NIA ay katuwang ng pamahalaan sa paghahanap ng solusyon sa matinding problema natin sa baha. Kaugnay nito ay sinisimulan na ng kanilang tanggapan ang pagrekonstrak ng Bayabas Dam sa bayan ng Doña Remedios Trinidad at ito ay matatapos na sa taong 2027 at makakapag operate taong 2028 na may kapasidad na 54 milyon cubic meter na mailalaman na tubig. Kapag ito ay natapos ng gawain malaking tulong ito at kabawasan sa nararanasan na pagbaha.

Bunsod nito, ani Salazar ay nais ni Gobernador Daniel R. Fernando na magkaroon pa ng karagdagang fam partikular sa bayan ng Calumpit sa Barangay San Jose at Barangay Iba O Este katuwang ang DPWH.

Inulat din ni Engr. Salazar, sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng PIA na humigit-kumulang 273 metric tons ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) rice sa pamamagitan ng contract farming program nito sa Central Luzon.

Ang produksyon na ito ay nag-aambag sa layunin ng programa sa buong bansa na magtanim ng palay sa 40,000 ektarya, kung saan ang rehiyon ay may kabuuang 1,700 ektarya at humigit-kumulang 1,300 ektarya na ang naani.

“Ang natitirang lugar para sa pag-aani ay nasa 400 ektarya. So, for those 400 hectares, we plan to harvest this week. Malamang na magsagawa tayo ng maagang pag-aani para maiwasan ang anumang abala mula kay [Tropical Storm] Kristine,” dagdag ni Salazar

Ang na-ani na 237 metric tons ay katumbas ng humigit-kumulang 23,000 bags ng 10-kilo BBM rice, na eksklusibong makukuha sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo caravans.

Binanggit ni Salazar na mahigit 10,000 bags na ang naipamahagi sa mga tindahan ng Kadiwa, kasama ang isa pang 10,000 bags na inihanda para sa pamamahagi.

Ang BBM rice ay ibinebenta sa mga vulnerable groups, kabilang ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Binanggit ni Salazar na ang mga priority recipient ng BBM rice ay natutukoy sa pamamagitan ng pagtutulungan ng local government units at Department of Social Welfare and Development. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments