Thursday, November 7, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsKailangan mag-level up ang sebisyo -- Gov. Daniel Fernando

Kailangan mag-level up ang sebisyo — Gov. Daniel Fernando

ANG Damayang Filipino Movement ay dire-diresto ang serbisyo, ito ang sinabi ni Governor Daniel R. Fernando, Lalawigan ng Bulacan, matapos ang kanilang isinagawang Medical Mission, sa ginanap na Social Welfare and Development Agencies, CENTRAL Luzon Convention 2024, Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, kamakailan.

Ayon sa butihing Ama ng nasabing Lalawigan, ang Damayang Filipino Movement ay kanyang muling inistablis, na walang planong gawing partylist, pero sa dami anya ng nangangailangan ng tulong, ay nagdesisyon siyang gawing partylist ang nasabing kilusan, para maging malawak ito at magkaroon ng ‘level up’ ang serbisyo.

NAGPAKUHA ng souvenir photo ang mga kawani ng SWDA, kasama sina VG Alex Castro at Gov. Daniel Fernando.

’Ika pa niya ituloy-tuloy na natin, sapagkat wala naman ibang magmamalasakit sa mga kababayang Pilipino, kundi ang kapwa Pilipino na rin. Idinagdag pa niya na sana ay lahat tayo ay mabigyan ng magandang biyaya ng Panginoon. Binanggit rin niya ang mga problema ng bansa sa politika, pagtaas at pagbaba ng presyo ng gasolina, giyera sa Middle east, at ang suliranin natin sa West Philippine Sea, na ayon sa kanya ay patuloy pa rin, dahil ika niya ito ay malaking dagok sa atin, sapagkat ang ating likas yaman dagat ay inaangkin ng mga dayuhan. Ito po ay sakop ng ating soberenya, kailangan po natin itong ipaglaban pero hindi natin kaya ang giyera, medyo mabigat ito anya, Dapat ay patuloy ang Pilipinas sa pakikipagusap ng diplomasya. Umaasa pa rin ang Gobernador na maaayos ang nabanggit na problema,

“Tayo naman bilang nasa LGU ay kailangan natin manalangin sapagkat ang pakikipaglaban ng ating gobyerno sa suliranin sa West Philippine sea ay napakahalaga. Kami bilang nanunungkulan ay kailangang manindigan sa lahat ng bagay. Andyan naman kami susuporta sa (patungkol sa mga dumalo) inyong mga adhikain, kayo po ang katuwang ng ating pamahalaan, sa pagpapalaganap ng tulong at serbisyo lalo na sa mga kabataang nangangailangan, sa mga walang magulang at sa mga nangangailangan ng kalinga ng pamilya, Nandyan kayo na nangangalaga sa mga ito. Kami ay nasa likod ninyo para suportahan kayo. Let us continue praying, at sa mga katoliko let us praying the Rosary. Kailangan natin humingi ng gabay sa Mahal na Ina at sa Panginoong Jesus. Thank you Damayang Filipino Partylist, sa pagtatapos ni Gov. Fernando.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang kakanyahan ng pagtulong sa mga taong nangangailangan ay nakasalalay sa ating likas na pakikiramay at empatiya bilang mga panlipunang nilalang, na nagtutulak sa atin na mapabuti ang kapakanan ng iba nang hindi umaasa ng anumang kapalit.

Ang batas na ito ay hindi lamang nagbibigay ng mahalagang suporta sa mga nahaharap sa mga hamon tulad ng kahirapan, sakit, o emosyonal na pagkabalisa ngunit nagpapalakas din ng pakiramdam ng komunidad at pagiging kabilang sa mga indibidwal. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong, positibo tayong nag-aambag sa lipunan habang sabay-sabay na pinapahusay ang ating sariling kapakanan, kaligayahan, at pakiramdam ng layunin. Sa huli, ang pagtulong sa iba ay lumilikha ng ripple effect na naghihikayat ng kabaitan at pagkabukas-palad sa buong komunidad. Iyan ang mga ginagawa nila Gov. Daniel Fernando at VG Alex Castro. Mabuhay po kayo! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments