LUNGSOD NG MALOLOS — Opisyal nang nanumpa sa tungkulin bilang bagong Pangulo ng Liga ng mga Barangay – Bulacan Chapter si Kapitan Fortunato SJ Angeles ng Barangay Liciada, Bustos.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Punong Lalawigan, Igg. Daniel Fernando, kasama sina Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia ng DILG Bulacan, at iba pang mga opisyal ng LnB Bulacan Chapter.
Si Bokal Angeles, ay ang nagsilbing kahalili ng yumaong LnB President Ramil Capistrano, at ang magsisilbing kinatawan ng mga Punong Barangay sa lalawigan. (UnliNews Online)