MINSAN ay napagawi ang KATROPA sa lugar ng Bulacan Provincial Jail, at napansin natin ang mga palamuting abubot na tila itinitinda sa entrada palang ng nasabing Panlalawigang Bilangguan. Ating nabatid na Grand Opening ng kanilang Bazaar, na ang mga itinitinda ay pawang mga gawaing kamay ng mga nakabilanggo sa naturang piitan.
Ating nakaharap si Atty. Jocelyn Salvador, admin officer ng Bulacan Provincial Jail. Sa kanya ay ating napag-alaman na every last week ng October ay kanilang siniselebrayt ang Prisoners Awareness Week, na may mga programang nagpo-promote sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), na taun-taon ay kanilang ginagawa.
Ngayong taon ay nagsagawa sila ng Bazaar, na may mga panindang gawa ng mga PDL, tulad ng handicrafts. Ito aniya ang kauna-unahang pagbubukas ng nasabing bazaar.
Atin pa rin nabatid na ang bilang ng PDL, habang isinusulat ito, ay umaabot sa 1652, at ang may pinakamalaking bilang ng kaso ay hinggil sa bawal na gamot.
Binanggit ni Salvador na maayos na naisasagawa ang kanilang mga programa, at wastong pangangalaga sa mga bilanggo partikular na sa kalusugan, pagpapalawig sa edukasyon at kaalaman sa ekonomiya o livelihood ng mga PDL.
Idinagdag pa rin ni Salvador na patuloy ang suporta ng Punong Lalawigan Gov. Fernando sa kanila. “Ang lahat ay ginagawa po ng Provincial Jail, ang lahat ng kanilang maitutulong sa mga PDL. Ang tulong ng ating Pamahalaang Panlalawigan, all out support para sa ating mga PDL,” wika pa ng butihing Admin Officer.
Ang nasabing Piitan ay pinamumunuan ni Retired P/Col Rizalino Andaya, Department head ng Provincial Civil Security and Jail Management Office.
Tsk! Tsk! Tsk! Lahat ay maayos na isinasagawa ng pamunuan ng Bulacan Provincial Jail, at tugma sa mga nais na kaayusan nila Gov. Daniel Fernando at VG Alex Castro.
Sila ay nagsagawa ng ilang mga hakbangin na naglalayong mapabuti ang mga kondisyon at operasyon ng Bulacan Provincial Jail. Nakatuon sila sa pagpapahusay ng mga programa sa rehabilitasyon para sa mga bilanggo, na kinabibilangan ng mga pagkakataong pang-edukasyon at bokasyonal na pagsasanay upang makatulong na ihanda sila para sa muling pagsasama sa lipunan sa paglaya.
Bukod pa rito, nagtrabaho sila sa pagpapabuti ng pisikal na imprastraktura ng kulungan upang matiyak ang mas magandang kondisyon ng pamumuhay, kabilang ang sanitasyon at mga serbisyong pangkalusugan para sa mga bilanggo. Binigyang-diin din ng kanilang administrasyon ang kahalagahan ng suporta sa kalusugan ng isip, na nagbibigay ng access sa mga serbisyo sa pagpapayo para sa mga nangangailangan.
Higit pa rito, nakipag-ugnayan sila sa iba’t ibang stakeholder upang isulong ang pakikilahok ng komunidad sa mga pagsisikap sa rehabilitasyon, na naglalayong pagyamanin ang isang mas matulungin na kapaligiran para sa mga dating bilanggo. Mabuhay kayo Atty. Jocelyn Salvador at sa palangiting si retired P/Col Rizalino Andaya. (UnliNews Online)