Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMayor Natividad, ‘unopposed’ sa 2025 Elections

Mayor Natividad, ‘unopposed’ sa 2025 Elections

MARAMI ang kumintil o tumatak na kasaysayan sa Lungsod ng Malolos at isa na rito si Mayor Christian D. Natividad, ang kauna-unahang alkalde na walang kalaban sa darating na Halalan sa 2025.

Walang nagtangkang lumaban o kalabanin si Mayor Natividad dahil sa kanyang galing sa pamamahala, sipag at husay sa paglilingkod sa mga Malolenyo.

Kahit ang inyong abang lingkod ay isang saksi sa kanyang walang katulad na serbisyo mula noong taong 2010 kung saan siya ay nagwagi at nakakuha ng botong 43,088 laban kina Alejandro Tengco (26,015) at Carol Mangawang (11,096).

At hindi nagkamali ang masang Malolenyo dahil bilang Punong Lungsod naibaba niya ang mga proyekto at programa sa bawat mamamayan at barangay na sakop ng Malolos.

Katulad na lang nang “Bayanihan sa Barangay” kung saan bumababa at dinadalaw ng alkalde ang bawat barangay bitbit ang mga serbisyo para sa tao upang ’yung hindi na kaya pumunta sa City Hall o sa kanyang opisina para humingi ng tulong ay siya na mismo ang kakatok sa mga pinto.

Siya mismo ang bumababa kasama ang buong Team Bayanihan upang alamin ang pangangailangan ng mga taong malapit sa kanyang puso — ang mga Malolenyo.

Wala ring ginawa ang alkalde sa kanyang unang termino kundi ang magpatayo ng mga eskwelahan para sa mga gustong makapag-aral at makatapos. Inilapit niya ang eskwelahan sa mga barangay.

Mula sa kanyang panunungkulan ay lumobo ng ilang doble ang mga iskolar ng Pamahalaang Lungsod. Namahagi ng mga livelihood projects at walang patumagang serbisyo medikal sa mga Malolenyo.

Sa kanyang pamumuno, lumago ang lungsod at dumami ang mga gustong mamuhunan o mag-invest at magtayo ng mga negosyo na lubhang ikinatuwa ng mga Malolenyo.

Ang dating Malolos ay naging isang maunlad na lungsod na maihahanay sa mga nangungunang siyudad sa bansa.

At sa galing at husay ni Mayor Natividad sa pamamahala katuwang ang kanyang mga kawani at mga inaasahang empleyado, lalong yumabong ang lungsod ng Malolos. Halos naging doble o triple ang naging kita na pumapasok sa kaban ng bayan.

Hindi mabilang ang mga parangal at pagkilala ang natanggap ng lungsod ng Malolos sa pamumuno ng tinatawag na “Agila ng Bulacan” at napabilang sa mga mauunlad na lungsod sa bansa.

At sa loob ng kanyang unang siyam na taon bilang alkalde, natikman ng mga Malolenyo ang kaginhawaan at kasaganahan at progreso ng isang maunlad na lungsod.

Walang katulad na paglilingkod o serbisyo sa tao ang ibinigay ni Mayor Natividad sa mga Malolenyo. Paglilingkod na walang kapalit at serbisyong sapat at tapat para sa Malolos.

Ito marahil ang mga pangunahing dahilan kung bakit walang naglakas-loob na lumaban o kalabanin pa si Mayor Natividad.

Dahil kay Mayor Natividad, ang paglilingkod ay walang katulad. Kaya naman saludo ang inyong lingkod, sampu ng aking mga kamag-anak sa iyong sipag bilang punong lungsod.

“Dakila ang Bayan na may Malasakit sa Mamamayan!” (Jason Estrada)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments