Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaSanya-Alden, super hot ang love scene

Sanya-Alden, super hot ang love scene

GUEST sa Fast Talk With Boy Abunda si Sanya Lopez, kamakailan.

Natanong ng King of Talk ang Kapuso aktres sa kissing scene nila ni Alden Richards sa Pulang Araw.

Tanong ng TV host, “You had that love scene with Alden. Gaano ka hot yun?”

Birong sagot ni Sanya, “Parang. Sobrang hot,” saka biglag tumawa ng malakas.

Kwento niya, “Kasi Tito Boy ano po yun eh. Sa totoo po nyan, dalawang beses po namin ginawa yun Tito Boy yung eksena na yun. And yun yung first namin na ganun yung scene. Ah tapos Tito Boy yung una kasi nun, yung original, naka-damit kami Tito Boy.”

Patuloy pa ng aktres, “Tapos parang sinabi nila na since nga po sa Netflix ito ilalabas naman, kumuha sila ng talaga yung walang damit pantaas. Top-less kami. Pero may cover naman po kami. Because nag-go si Alden, go din naman po ako that time.”

“So nung time na yun. Hiyang-hiya talaga ako nun kay Alden kaya ang ginawa ko nung time na yun sabi ko sa kanya may shinare ako before na tinanong ko siya kung meron na ba siyang ganitong eksenang nagawa for us na maging comfortable sa isa’t-isa.

“Kasi medyo nakakakaba talaga yun, ang lamig talaga dun, hanggang ngayon nilalamig kamay ko Tito Boy. Ganun siya ka-intense pero in fairness to Alden, iningatan niya rin naman ako.”

Si Sanya ay sister ng Kapuso actor na si Jak Roberto, ang boyfriend ni Barbie Forteza na kasama ni Sanya sa teleserye. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments