NABAHALA si Dani Barretto dahil may nanggagaya ng kanyang Wellness Wispers business na isang online store.
Post ng eldest sister ni Julia Barretto sa kanyang Instagram, “Rumespeto naman kayo.”
Sinabi pa niyang mag-create ang mga ito ng kanilang honest business at huwag manggagaya sa gawa ng iba.
In-inforn pa niya ang mga ito na gagawan niya ng legal action ang store line kapag hindi tumigil nang pang-i-scam sa pinaghirapang negosyo.
Ang Wellness Whispers ay isang local business na itinayo ni Dani.
Aniya, “My God. Rumespeto naman kayo ng business ng ibang tao. Pinaghirapan namin yung mga products namin tapos gagayahin niyo lang para manloko ng tao at kumita?! Instead of scamming people, just create an honest business!”
Aniya pa, wala silang re-sellers at distributors, naka-affiliate lang daw sila sa mismong TikTok.
“Please only buy from @wellnesswhispersph official stores. Wala po kaming re-sellers and distributors. We only have TikTok affiliates. Please help us report this account. And to this shop, you’re not allowed to use the name Wellness Whispers, I own that name. Naka-trademark po yan. I am prepared to take legal action if you don’t stop selling all these fake products,” pagbibigay warning niya sa online store.
Si Dani ay eldest daughter ni Marjorie Barretto sa ex boyfriend na si Kier Legaspi.
She is the eldest among her siblings, Julia, Claudia, Leon, and Erich.
Ikinasal siya sa well-known family clan, Xavi
Panlilio at biniyayaan ng anak, si Millie.
Kapapanganakmlang din niya kamakailan for their second baby. (UnliNews Online)