ANG haba ng birthday message ni Kim Chiu para sa kaibigang si Angelica Panganiban.
Post niya sa Instagram account:
“Happy happy birthday to this beautiful soul and gorgeous momma!!! The strongest I’ve ever known!!! Momsy grabe ang daming nangyari sa taon na to para sayo, ups and downs (extreme) but you remained stronger than ever. Thank you for always sharing your time and for always being there. I love you so so much, momsy! Wishing you good health, speedy recovery, all the happiness and blessings this world can offer dahil deserve mo yun. Love you sooo much!”
May dagdag pa niyang sabi, “I think lalaban ka na sa next TikTok challenge!!! Diba momsy @bela ??? any suggestions, guys? Comment below! Hihihi.”
“Cheers to love, life and many more birthdays to celebrate!!! Love you momsy!!! Thank you for the gift of friendship!!!! #AngBeKi rocks!!! HAPPY BIRTHDAY!!!”
Ayon pa sa @chinitaprincess kulang umano ang 20 slides na pinost niya sa IG sa dami ng gusto niyang ishare na photos at videos.
May nagtanong sa posted message ni Kim.
“Paano po nabuo AngBeKi?”
“Nag-gatecrash sina Kim at Bela sa birthday ni direk Andoy at nagkataon andun si Angelica dun nagstart ang friendship nilang tatlo”
Si Angge naman ay sinagot ang TikTok Challenge na tila panghahamon ng kanyang kaibigan.
“Magsabi lang kayo kung kailan ang tiktok na ito at ibibigay ko ang lahat lahat makasabay lang ako. love you momsy!” (UnliNews Online)