NAPAPANAHON ang pag apruba ng Commission on Elections (Comelec) sa Vendors Party List dahil sa mahigit dalawang dekada na ng nagdaan mula ng isabatas ang RA 7491 ang Party List Law ay walang representatasyon sa Kongreso ang libu-libong manininda sa buong Pilipinas.
Kapag sinabing manininda, kumakatawan ito sa lahat ng vendors kahit pa negosyante ka man ng malaking grocery, manininda sa palengke at tiangge, online seller, entreprenyur at kahit nga ang mga magtataho, fishball vendors, ice cream vendors, retail vendors at iba pa mga kauri nito ay bahagi ng maninindang Pilipino.
Nakausap ko kamakailan ang first nominee ng Vendors Party List na si Marilou L. Lipana, at sinabi niya na ang pangunahing problema ng mga maninindang Pilipino, partikular ang mga maliliit na manininda ay ang puhunan. Napipilitan silang mangutang sa mga usurero kahit mataas ang tubo ay kanila anyang kinakagat para may pambawi sa nalusaw nilang puhunan.
Nagagamit umano ng mga maliliit na manininda ang kanilang puhunan dahil sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya kaya ang tanging option nila ay ang pangungutang sa Bumbay kahit sa paraang five six dahil na rin sa matinding pangangailangan ayon pa kay Lipana.
“Kaya nga dapat na may kinatawan ang mga manininda sa Kongreso upang magkaroon sila ng boses para maiparating sa mga mambabatas ang kanilang mga hinaing. Ang plano namin kung sakali na kami ay palarin ay maglalagay kami ng kooperatiba sa bawat palengke para sa mga manininda at dito sila uutang ng puhunan na ang tubo ay maliit lamang at abot-kayang bayaran. Ang aming mga programa ay nakakasa ng lahat.” Payahag ni Lipana.
Ayon pa Lipana, ngayon anya ang tamang panahon upang ang mga maninindang katulad niya ay magkaroon ng boses sa Kongreso. Si Lipana ay nagsimula bilang maliit na mamumuhunan at manininda. Sa panahon umano ng kanyang pag-aaral ay tinutulungan niya ang kanyang sarili upang magkaroon ng kita para matustusan ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtitinda hanggang sa siya ay pinalad na maging matagumpay na mamumuhunan.
Ang iba pang nominees na kasama ni Lipana sa Vendors Party List ay sina Lawrence Pesigan, Sheryl Sandil at Deo aka Diwata Balbuena. Si Diwata ang pinaka-kontrobersiyal na nominee ng Vendors Partylist, dahil sa pagiging manininda ng Pares Overload at YouTube sensation. (UnliNews Online)