Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsDating DILG Sec. Abalos, suportado ng mga Bulakenyo sa Senado

Dating DILG Sec. Abalos, suportado ng mga Bulakenyo sa Senado

LUNGSOD NG MALOLOS — Suportado ng mga Bulakenyo si dating Department of Interior and Local Government secretary na si Atty. Benhur Abalos na tatakbo bilang senador sa May 2025 elections.

Buong pusong niyakap ng mga Bulakenyo ang dating DILG secretary nang dalawin nito sina Gov. Daniel Fernando, Malolos City Mayor Christian D. Natividad at Lem ng Calumpit.

Malolos City Mayor Christian D. Natividad at dating Department of Interior and Local Government secretary Atty. Benhur Abalos kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng City Government. (Kuha ni Manny D. Balbin)

Buong pagmamalaking inindorso ni Fernando si Abalos na karapat-dapat na maging isang senador dahil sa kanyang galing husay sa pamamahala sa DILG, MMDA at alkalde ng Mandaluyong.

Sinabi ni Fernando na magsisilbi nang maayos si Abalos sa publiko bilang isang senador at naniniwala siyang “malaking ambag nito sa pag-unlad ng lalawigan.”

Bumisita muna si Abalos sa bayan ng Calumpit kung saan ay sinalubong siya ng mga Calumpitenyo sa pangunguna ni Mayor Faustino at Vice Mayor Zacarias C. Candelaria at nangakong sasamahan siya hanggang sa Senado bago mag-courtesy call kay Fernando sa opisyal na tirahan ng gobernador sa Provincial Capitol compound kamakailan.

Ang dating Department of Interior and Local Government secretary Atty. Benhur Abalos kasama sina Mayor Lem Faustino, Vice Mayor Zacarias C. Candelaria at mga Calumpitenyo. (Kuha ni Manny D. Balbin)

Sinabi ni Abalos sa harap ng mga opisyales at mamamayan ng Calumpit na tutulong upang maibsan ang problema sa pagbaha sa naturang bayan at nangakong kapag pinalad na maluklok bilang senador ay gagawa ng mga batas na makatutulong sa mga binabahang bayan sa Bulacan.

Mainit naman ang naging salubong ng mga Malolenyo sa dating DILG secretary sa pangunguna ni Mayor Natividad, mga miyembro Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng City Government.

Dito ipinakita ni Abalos sa mga Malolenyo ang kanyang mga nagawa sa lungsod ng Mandaluyong noong siya ang alkalde nito.

Samantala, nagpasalamat si Abalos sa suportang pinakita ng mga Bulakenyo, na ang populasyon sa lalawigan ay humigit-kumulang 3 milyon kung saan 65 porsiyento ay mga aktibong botante. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments