Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTBonggang pagpapailaw ng Christmas Tree sa CSJDM

Bonggang pagpapailaw ng Christmas Tree sa CSJDM

PINANGUNAHAN nina Congresswoman Rida Robes, ng City San Jose Del Monte Lone District at CSJDM Mayor Arthur Robes, ang simbolikong Christmas tree lighting ceremony sa harap ng world class New Government Center ng siyudad kasabay nito ang pag-awit ng koro ng mga tradisyunal na awiting pamasko.

Ang nasabing pagpapailaw ng Christmas tree sa Lungsod ng San Jose na may temang “Paskong San Joseño” na isinagawa at nitong Nobyembre 12 ng taong kasalukuyan at ito ay taunang isinasagawa

“Ang Lungsod ng San Jose Del Monte ay tunay na dinarayo ng mga taga ibang bayan at alam ko na sa pamamagitan ng mga bagong inobasyon ng pamahalaang lokal ay lalo pang magpapaunlad sa ating siyudad lalo na ang larangan ng turismo at siyempre ang pinaka bottom line ay masaya talaga si Cong. Rida para sa pamilyang San Joseño. Salamat sa inyong tiwala at God bless us all.” Ani Cong. Rida

Pinasalamatan naman ni City Mayor Arthur Robes ang mga kababayan niyang San Joseño dahil sa nag-uumapaw na kagalakan hindi lamang sa marigal na okasyon kungdi dahil sa mga tinatamasang pagbabago at kaunlaran ng nasabing lungsod. Nagpasalamat din kina Cong Ate Rida at Mayor Arthur ang mga katutubong Dumagat dahil naging bahagi sila ng makasaysayang okasyon. Ang mga katutubo ay pinaakyat sa entablado at personal na iniabot sa kanila ni Cong. Ate Rida ang maagang pamasko.

Ayon sa mga Dumagat, natutuwa sila dahil ipinadadama sa kanila ng mga San Joseño at ng mga opisyal ng lokal na pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Arthur Robes ang ng ina ng SJDM lone district Congw. Rida Robes ang pagkilala sa kanilang hanay na sila ay mga mamamayan ng siyudad kahit na sila ay naninirahan sa kabundukan.

Masaya namang pinakikinggan ng daan-daang mga San Joseño ang mga tradisyunal na awiting pamasko habang hinihintay ang pagpapailaw sa higanteng Christmas tree at nang pangunahan ng mag-asawang Robes ang hudyat na magpapailaw sa Chrismas tree ay masigabong hiyawan at palakpakan ang ipinarinig ng mga San Joseño habang nagsasalimbayan sa himpapawid ang makukulay na fireworks display.

Nagbigay naman ng isang awitin ang singing actress na si Kyline Alcantara , kaya lalong nag-ibayo ang kasiyahang nadama ng mga naroon lalo na ang mga tagahanga ni Kyline. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments