Ni MANNY C. DELA CRUZ
LUNGSOD NG MALOLOS — Tiniyak ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando, kay former Interior Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr., na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador para sa midterm election sa Mayo 2025 na ieendorso niya sa nga Bulakenyo ang kandidatura ni Abalos.
Sinabi ni Gov. Fernando ang gayong pahayag nang bisitahin ng dating kalihim ng Department of Interior and Local ang punong lalawigan sa kanyang official residence sa Capitol compound sa Malolos Bulacan. Ayon kay Fernando magpokus na lamang si Abalos sa ibang lalawigan at bahala na siya na hingin ang suporta ng mga Bulakenyo para kay Abalos.
Naniniwala si Fernando sa kakakayahan ni Abalos dahil sa matagal na niyang karanasan sa public office. Naging alkalde si Abalos Lungsod ng Mandaluyong at naging kongresista ng Lone District ng Mandaluyong City. Kung papalarin anyang maging senador si Abalos ay malaki ang maitutulong nito sa kaunlaran ng lalawigan at sa buong bansa.
Nangako naman si Abalos kay Fernando na kung siya ay palaring maluklok sa Senado ay pagtutuunan niya ng pansin ang suliranin sa dekada nang problema sa pagbaha sa probinsiya nang sa gayon ay makapanghikayat pa ng mas maraming investors sa lalawigan.
Sa kaugnay na balita, masigabong palakpakan ang isinalubong ng mga tauhan ng Malolos City hall kasama ang city council at mga barangay at SK officials ng Malolos sa pagdating Atty. Benhur Abalos Jr., nito sa city hall ng Malolos
Pinangunahan ni Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad ang pagsalubong kay Abalos at si Natividad na rin ang nagpakilala sa dating DILG chief na ngayon ay tumatakbo sa pagka-senador para sa May 12, 2025 midterm election. Isinagawa ang maikling programa sa bulwagang pulungan sa city hall.
Sinuob ng papuri ni Mayor Natividad ang mga achievements ni Abalos sa kanyang naging panunungkulan sa Lungsod ng Mandaluyong na nagsimula bilang city councilor, naging alkalde ng lungsod at na nanungkulan bilang diputado ng lone district ng Mandaluyong. “Wala nang patutunayan pa si Atty Abalos sa Mandaluyong bilang local official kaya naman nakamit niya ang ng Siyudad ng Mandaluyong ang pinaka prestihiyosong karangalan ng lokal na pamahalaan ang “Gawad Galing Pook Award” . Anang alkalde.
Sa talumpati naman ni Abalos sa harap ng mga opisyales ng lungsod at ng nga opisyal ng iba’t ibang barangay ng Malolos ay sinabi niya na kinakailanggan ng baguhin o irebisa ang Republic Act 7160 na kilala bilang Local Government Code of 1991.
Ayon kay Abalos, isa sa mga pangunahing adbokasiya niya ay ang pagrepaso sa Local Government Code of 1991. Ayon sa kanya, hindi na ito tugma sa mga pangangailangan ng maraming lokal na pamahalaan sa bansa.
Halimbawa, umano ang mga barangay ay inaasahang magtayo at magpanatili ng mga barangay roads, ngunit maraming barangay, lalo na sa malalayong lugar at mahihirap na bayan, ay walang sapat na pondo para tugunan ang gayong mahahalagang pagawaing bayan. Gayundin anya ang mga paaralan ay ipinagkatiwala sa pamahalaang lokal, ngunit kulang naman ang kanilang pondo para matugunan ang ganitong mga malalaking proyekto.
“Nakikita na ang depekto sa nasabing batas. Ano yung responsibilidad ng mga probinsiya? Ano ang responsibilidad ng mga mayor at ng national government like for example construction of school building yung barangay roads. Hindi kayang ponduhan ng barangay yan. That’s why kaya kailangan ng rebyuhin ang code (RA 7160) kaya kahit ano pa ang ganda ng policy mo kung kulang naman sa pondo ay hindi maisasakatuparan ang magagandang plano” ani Abalos.
Ilang karaniwang mamamayang Maloleño naman ang nagkomento na ang kuwalipikasyon ng mga botante sa ihahalal mga nila sa senado sa halalan sa 2025 ay tulad ng katangian ni Abalos na isa sa mga tumatakbo sa pagka-senador na may malalim na background sa batas.
Si Abalos ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila noong 1987 at nakapasa sa bar exam sa parehong taon. Sa kanyang mahabang serbisyo, naging alkalde siya ng Mandaluyong ng 15 taon at nagsilbi bilang kinatawan nito sa Kongreso.
Bukod sa pagbisita ni Abalos sa city hall ng Malolos, una niyang pinuntahan ang bayan ng Calumpit. Nagsagawa din siya ng programa doon. Mainit na tinanggap ng Calumpiteños sa pangunguna ni Mayor Glorime M. Faustino, Vice Mayor Zac Candelaria at mga kagawad ng Sangguniang Bayan ng Calumpit. Sinabi naman ni Mayor Faustino na handa siya at ang mga Calumpiteños na suportahan si Benhur Abalos.
Bilang DILG Secretary, si Abalos ay nagpakomisyon ng isang pag-aaral sa tulong ng Local Government Academy at Union of Local Authorities of the Philippines upang suriin ang Local Government Code. Ang mga rekomendasyon at pagrepaso ay nararapat lamang ipagpatuloy at mapagbuti sa pamamagitan ng mga batas. Ito ang dahilan kung bakit napapanahon na ang pag-amyenda sa Local Government Code, at kailangan natin sa Senado ang isang may kaalaman at karanasan sa batas at pamahalaang lokal upang maisakatuparan ito. (UnliNews Online)