Monday, November 18, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaTom Rodriguez may 4 months baby boy na!

Tom Rodriguez may 4 months baby boy na!

TOTOONG may anak na si Tom Rodriguez. Gumawa siya ng isang sketch kung saan iginuhit niya ang cuteness ng anak.

Kinumpirma ito ng actor sa interbyu ni Nelson Canlas. Four months old na raw ang kanyang baby boy.

At bilang first-time dad niya, ang kanyang baby ang “greatest source of inspiration” niya. Ipinakita ni Tom ang ilan sa ginawa niyang sketches, inspired by his little one.

Ayon kay Tom, ang name ng anak ay Korben and is currently 4 months old.
“I feel great. He’s my greatest source of inspiration.” aniya kay Nelson.

Sa Instagram naman ni Canlas ay ibinahagi niya ang kuhang video ng kanyang interview.

Sa huli ng video, ay dinisplay niya ang ginawang sketches ni Tom sa anak na si Baby Korben, who has a facial dimple tulad niya.

Bago ang pag-amin Tom ay nagpost na siya sa kanyang social media ng cartoon drawing ng isang baby boy.

Pinag-usapan sa social media ang posted cartoon baby na drinowing ng aktor. Sa pagkaka-drawing ni Tom mapapansing isa itong baby boy, wearing a baby’s nightwear.

Save for an emoji of a smiling face with hearts, there was no other caption on the said post. Walang binibigay na hint ang actor kung bakit siya nagpost ng ganun sa kanyang social media account.

Samantala, declared na ang legal na hiwalayan nilang mag-asawa na si
Carla Abellana.

Sinabi niya ito nang makapanayam siya sa FTWBA.

“Recognized na po ‘yan ng korte, local court po natin dito,” ani Carla kay Kuya Boy. Hindi annulled kundi divorced ang dating celebrity couple. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments