BINATI ni Joross Gamboa si Sandara Park sa 40th birthday nito. May post ang actor ng throwback photos nila noong sila ay magkakasama sa Star Circle Quest 2004.
Naging bahagi si Sandara ng sikat na K-pop girl group na 2NE1 noong 2009 matapos magsimula ang kanyang showbiz career sa ’Pinas.
Ani Joross, “Happy 20th (40) birthday to our BFF Sister na hindi tumatanda at hindi tumataba!”
Biro pa niya, tila hindi tumatanda ang Korean star na kilala rin bilang “Pambansang Krung-Krung.”
May kalakip din na isang throwback photo ni Sandara, na ayon sa kanya ay paborito niya. Dagdag pa niya, “We are always here for you! Kitakits this weekend God bless!”
Tinanong pa ng aktor kanyang followers kung alin sa mga larawang ibinahagi ang paborito nila mula sa kanyang post.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Joross at Sandara nang magkasama sila sa reality show na “Star Circle Quest” noong 2004 kung saan doon na rin nagsimula ang showbiz career ni Sandara sa Pilipinas.
Nang bumalik siya sa kanyang, ang South Korea ay sumali siya sa K-pop girl group na 2NE1 na sumikat sa buong mundo noong 2009.
Maraming netizens at kapwa celebrities ang nagpaabot ng pagbati kay Sandara, pinupuri ang kanyang youthful appearance at positibong pananaw sa buhay.
Samantala, si Nagpapasalamat naman sa mga bumati ang SK sctress/singer sa kanya at inaasahang magkikita silang muli ni Joross sa nalalapit nilang weekend celebration. (UnliNews Online)