Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsAttention: DPWH Bulacan 1st DEO

Attention: DPWH Bulacan 1st DEO

MALIMIT akong dumaan doon sa lansangan na bahagi ng Cagayan Valley National Highway na sakop ng barangay Sta Rita, sa Guiguinto, Bulacan. Doon mismo sa pagbaba ng tulay na tumawid ng North Luzon Expressway southbound pero hindi pa nakukumpuni ang kalsadang masama ang kundisyon at nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Ito ay nasa tapat ng entry at exit point ng NLEX Sta Rita Tollway. Kakapiraso lang naman ang kalsada na may sira-sirang aspalto. Maaaring sakop iyon ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office dahil bahagi na ng national road at nasa labas na ng jurisdiction ng NLEX.

Ang tanong ng maraming motorista na tulad ko, bakit daw hindi pa nakukumpuni ng DPWH ang ilang metro na haba ng kalsadang sira-sira?. Marahil ay hindi alam ni District Engineer Henry Alcantara ang bahaging iyon ng national highway. Sino pa nga ba ang magmementina ng national highway kungdi ang DPWH.

Ang DPWH Bureau of Maintenance ang dapat na nagsu-supervice sa pambansang lansangan sa Bulacan para alam nila kung alin ang mga bahagi ng kalsada na may sira. Mayroon namang maintenance fund ang ahensiya. Hindi na kailangang paraanin sa bidding ang kapirasong bahagi ng kalsada na ire-repair.

Ang nangyari kasi sa bahaging iyon ng highway kinayod ng asphalt milling machine ang aspaltong nasira na nakapatong sa kongkretong kalsada. kaya lang, hindi pinatag na mabuti ang pagkayod kaya may naiwan pa ring aspalto kaya kapag nadadaanan ng mga sasakyan ay matagtag dahil hindi nakayod na mabuti ang aspalto.

Puwede namang latagang muli ng aspalto ang bahaging iyon ng highway. Ito namang NLEX katapat din lang naman ng entry at exit point ng Sta Rita tollway ang bahaging iyon ng highway ay puwede naman na sila na ang magkumpuni o maglatag ng kaunting aspalto kahit ba hindi nila sakop ang national highway. Magpapasko pa naman at tiyak na lalong dadami ang mga sasakyang dadaan sa lansangang iyan. Sentido kumon lang ba. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments