DEKALIDAD na serbisyo publiko ang hatid nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan para sa Brgy. Marungko sa pamamagitan ng programang “Munisipyo sa Barangay” (MSB).
Pinagtibay ng alkalde ang diwa ng pagmamalasakit at tunay na pagtutulungan sa bawat programang pangkomunidad na ating isinusulong.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga masigasig na volunteer dentists at doctors, na katuwang natin sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan para sa Marungko.
Buong lakas na inihatid ang mga programang nakasentro sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay, kabilang ang mga sumusunod: Libreng Serbisyong Medikal at Dental, Eye Check-Up, Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto), Bakuna sa hayop, Libreng binhi, Serbisyong Nutrisyon para sa mga buntis at breastfeeding mothers, at Libreng Konsultasyong Legal.
Personal din na binisita Ni Mayor Jowar ang mga Angatenyo na senior citizens, may karamdaman o kapansanan upang iparamdam sa kanila na sa Angat, walang maiiwan.
Patuloy ang ganitong programa upang masigurong makararating ang mga serbisyong pangkalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan sa bawat barangay sa ating bayan. (UnliNews Online)