Monday, February 3, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsGov. Fernando, bumisita sa pulis na nasugatan sa engkwentro

Gov. Fernando, bumisita sa pulis na nasugatan sa engkwentro

PERSONAL na binisita ni Gobernador Daniel R. Fernando at inalam ang kundisyon ni Capt. Jocel Calvario, Hepe ng Intelligence and Drug Enforcement Unit ng Meycauayan City Police, na kasalukuyang nasa Meycauayan Doctors Hospital makaraang lubhang masugatan sa isang police operation kamakailan.

Sa kanyang pagbisita, pinuri ni Fernando ang hindi matatawarang dedikasyon ni Capt. Calvario sa laban ng probinsiya kontra sa iligal na droga at binigyan ito ng pinansiyal na insentibo.

Pinagtibay din ng gobernador na bibigyan ng pagkilala ang katapangan at dedikasyon ni Capt. Calvario kung saan kanya itong ineendorso sa pamamagitan ng resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at Provincial Peace and Order Council.

Ayon sa opisyal na ulat ng pulisya, ang casing at surveillance operation na naganap noong Nobyembre 17, 2024 sa Barangay Malhacan sa Lungsod ng Meycauayan ay naging engkuwentro kung saan 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon ang nakumpiska.

Sinabi ni Brig. Gen. Redrico Maranan, Police Regional Office-Central Luzon Director, operatiba ng Special Drug Enforcement Unit sa ilalim ng Meycauayan City Police Station, na isinasagawa ang casing at surveillance operation laban sa mga suspek na may mga alyas na “Dan” at “Analyn” ng magpaputok ang mga suspek habang nasa loob ng pribadong sasakyan.

Napaulat na gumanti ng putok ang mga pulis at sa kabila ng tangka ng mga suspek na tumakas, sila ay napigil at naaresto. Parehong tinamaan ang mga suspek habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang hita si PCPT. Jocel Calvario.

Tinapos ni Fernando ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng paghimok sa buong puwersa ng kapulisan sa Bulacan na maging matatag sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments