LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad sa Unang Distrito ng Bulacan sa pangunguna ni Congressman Danny “Dad” Domingo ang isang prgramang makatutulong upang maiwasan ang malawakang pagbaha pagdating ng tag-ulan.
Layunin ng programang “Operation Linis Kapaligiran Upang ang Pagbaha ay Maiwasan” ay upang malinis ang kapaligiran para maiwasan ang pagbaha sa ma bayan at lungsod ng Unang Distrito ng Bulacan.
Hinihikayat din ni DAD ang iba pang mamamayan ng Unang Distrito na suportahan ang programang kanyang inilatag para sa kapakanan ng mga Bulakenyo sa kanyang distrito
Lubos namang nagpapasalamat ang naturang kongresista sa mga residente ng Northville 9, Barangay Iba O’ Este, Calumpit na nakiisa sa programang ito.
Ayon kay Cong. Domingo, lahat tayo’y may magagawa upang makatulong na masolusyunan ang problema sa ating Bayan, gaya na lang ng palagiang pagbaha.
Dagdag pa nito, simulan natin ito sa mga sarili nating tahanan, bakuran, at komunidad.
“Magbayanihan tayo at sama-sama nating tiyakin na malinis ang ating mga kanal, daluyan ng tubig, at kapaligiran,” pagtatapos ni Cong. Dad. (UnliNews Online)