Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsMagkapatid na Cayetano, pinangunahan ang pagpasa ng ‘historic measure’ para sa natural...

Magkapatid na Cayetano, pinangunahan ang pagpasa ng ‘historic measure’ para sa natural gas development

PINANGUNAHAN ni Senador Pia Cayetano ang isang malaking hakbang tungo sa seguridad sa enerhiya at mas abot-kayang kuryente sa bansa.

Ito ay matapos pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 2793 o ang Philippine Natural Gas Industry Development Act.

Labing-apat (14) na senador ang bumoto para sa pagpasa nito, kabilang ang kapatid ni Senador Pia na si Senador Alan Peter Cayetano.

Nagpasalamat si Senador Pia, na siyang Senate Committee on Energy Chair, sa kanyang mga kapwa senador para sa suporta sa “historic measure” na ito na magbibigay daan sa seguridad sa enerhiya ng bansa.

“This bill will help us ensure that we have our own supply [of natural gas]. We can be a nation of importers if that is what we want. But no — we take a stand, we decide that we want to develop our own indigenous sources,” wika ni Senador Pia.

Layunin ng SB No. 2793 na hikayatin ang mga mamumuhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo na mag-explore ng mga natural gas field sa bansa, lalo na’t paubos na ang supply ng Malampaya.

Binigyang diin din ni Senador Pia ang mga benepisyong pangkalikasan ng paglipat sa natural gas.

“We have to remember…our goal is to move to renewables,” sabi niya.

“This legislation supports our own and also international commitments to cleaner and more efficient energy production,” dagdag niya.

Itinuturing na “transition fuel” ang natural gas patungo sa renewable energy dahil mas kaunti ang inilalabas nitong carbon dioxide at mga pollutant kumpara sa coal, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng enerhiya ng bansa.

Pinabulaanan naman ni Senador Pia ang ideyang magdudulot ng mas mataas na presyo ang pag-prioritize sa lokal na natural gas. Aniya, malinaw na makikita sa kasaysayan na mas mura na noon pa ang natural gas kumpara sa ibang mga fuel.

Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN na may pinakamahal na kuryente.

Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism, isa sa mga dahilan nito ay ang pagdepende ng bansa sa imported fuel, na naaapektuhan ng mga pandaigdigang krisis gaya ng pandemya at mga digmaan pati na paggalaw sa halaga ng piso kontra dolyar.

“With the encouragement of more investments in natural gas, we will have energy security that will be able to provide for more accessibility to natural gas,” wika ni Senador Pia.

“Anyone who wants to import can still do that, but now we are paving the ground for indigenous sources. We will make it cheaper for our consumers,” dagdag niya.

Nilinaw din ng senadora na hindi tinatanggal ng panukalang batas ang bidding kapag bibili ng natural gas ang mga distributing company, at sa halip ay may mga mekanismo pa ngang nakalatag para masiguradong mababa ang ipapataw na presyo sa mga consumer.

“Hindi ko tinatanggalan ng bidding kasi wala hong bidding sa level na ‘yon. Negotiated po ‘yon — those are supply agreements. Same ang patakaran: fair and open access to all the information available,” pahayag ni Senador Pia.
Naniniwala ang magkapatid na Cayetano na mahalaga ang batas na ito sa pagtahak ng bansa sa mas sustainable na energy mix.

“As technologies for solar and wind energy are still being developed, I believe this bill points us in the right direction for the transition,” sabi ni Senador Alan.

“This bill is good for the country. This bill is good for the environment and this is good for the Filipino consumers,” wika naman ni Senador Pia.

“Energy security is a generational commitment. So this is for the next generation,”dagdag niya.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments