Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsSuper Marah, hindi takot harapin ang 4 na higanteng alkalde na tatakbo...

Super Marah, hindi takot harapin ang 4 na higanteng alkalde na tatakbo sa Maynila

NAKAUSAP namin ang mayoralty candidate na si Super Marah Tamondong kamakailan.

Natanong sa kanya ng ilang invited press kung totoong may alitan sa dalawang kandidato rin bilang Manila Mayor, si incumbent Manila Mayor Honey Lacuna at ang pagbabaluk ng dating mayor na si Isko Moreno.

Ani Super Marah, “parang wala naman ganung isyu. Kasi po kung titingnan po ninyo ang apat na konsehal ni Mayor Honey ay kinuha ni Isko para sa kanyang partido, pero hindi nagdagdag si Mayor Honey. Ibig sabihin magkakampi pa rin sila. Ayaw nilang magkahiwalay.

At saka ang ama ni Mayor Honey na si Danny Acuna ang tumulong o mentor ni Isko sa pulitika.

Apat na higante ang makakalaban ni Super Marah sa pagka-mayor ng Maynila — ang nagbabalik na dating alkalde na si Isko Moreno, incumbent Mayor Honey Lacuna, ang actor na si Raymond Bagatsing, at ang Party List Representative Sam Verzosa.

Ani Super Marah, hindi siya natatakot na harapin ang mga ito dahil malinis daw ang kanyang konsensiya kapag humaharap sa mga tao.

Kung sakali na siya ang mabigyan nang pagkakataong maupo bilang alkalde ng Maynila kasama ang kanyang mga konsehal at vice mayor, transparency raw ang lahat ng kanilang desisyon.

May nagsasabing malakas umano si SV at siya raw ang mahigpit na makakalaban ni Isko.

Ayon sa grupo wala raw katotohanan dahil sa survey sa Maynila ay ang pangalan umano ni Marah ang lumulutang sa survey.

Aniya, “sa pagkakaalam ko po ang pangalan ng inyong lingkod ang pumapangalawa sa survey. Minsan pa nga po pumapasok din sa una.”

Hinggil naman sa ginagawang pagtulong ni Tamondong lalo na sa mga senior netizens, yun daw talaga ang kanyang goal.

P500 daw ang ayudang natatanggap ng senior netizens sa ngayon, pero kapag siya na ang naupo ang ayuda na para sa senior ay gagawin niyang P2K per month.

May nakatakda rin umano siyang plano para sa mga kabataan ng Maynila. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments