Ni Mam Jane Q. Ignacio
LUNGSOD NG MALOLOS — Nagpakitang-gilas ang mga manlalaro ng Caingin Elementary School nitong nakaraang 2024 District 4 Athletic Meet na ginanap sa Bulihan Elementary School nitong November 20, 2024 na nilahukan ng mga manlalaro ng iba’t ibang paaralan mula sa ika-4 na Distrito.
Ang nasabing Athletic Meet ay pinamunuan ang aming District Supervisor na si G. Rommel C. Cruz kaagapay ang mga Punong guro at mga MAPEH Coordinators ng buong Distrito
Nagsimula ang Kaganapang ito sa pamamagitan ng isang Programa kung saan ay naging Pangunahing Tagapagsalita si Gng. Pilar G. Cadaing, EPS sa MAPEH ng SDO City of Malolos
Matapos opisyal na buksan ang 2024 District 4 Athletic Meet ay agad ng sinimulan ang bawat laro na pinaghandaan ng bawat kalahok.
Matagumpay na nakamit ng Caingin Elementary School sa Pamumuno ng aming punung guro Gng. Ana U. Ramos ang mga panalo mula sa aming magagaling na manlalaro.
Pinangunahan ito ni Marvin A. Panahon na nakasungkit ng Unang puwesto gayundin sina Prince Lucho I. Dela Pena,at Leira Kiara C. Camua sa larangan ng Track and Field sa pamamahala ng kanilang Gurong Tagapagsanay na si Gng. Genina I. Poblete
Nasungkit din ang ikatlong Puwesto ng Volleyball Girls sa pamamahala ni Gng. Julieta Q. DeGuzman at Volleyball Boys sa pangungun ni Gng. Jan Angel M. Velasco.
Mahusay na nakamit ni Dominic Sebastian L. Liwanag ang Ikatlong Puwesto sa Larangan ng Chess
Nakabilang din sina Niakeh Zen SD. Espino at Mark Payawal sa Quarte Finals sa Badminton.
Inaasahan ng mga atleta sa larangan ng Track and Field ang kanilang panalo sa susunod nilang pagsabak sa darating na 2024 Cluster Athletic Meet. (UnliNews Online)