Wednesday, February 5, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsSen. Revila, namigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng AICS sa Guiguinto

Sen. Revila, namigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng AICS sa Guiguinto

BUMISITA kamakailan sa bayan ng Guiguinto, Bulacan si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. para mamahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Tinanggap ang senador nina Mayor Agatha Cruz at Congressman Boy Cruz ng Bulacan 5th District at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Guiguinto.

Pinasalamatan ng senador ang mga Guiguintenyo sa mainit na pagtanggap gayundin ang Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nangasiwa sa distribusyon ng tulong pinansyal.

(Kuha ni Manny D. Balbin)

Nangako naman si Sen. Revilla ng kung makakabalik siya ng Senado ay siya na ang bahalang kumumpleto ng bubong ng bagong gymnasium ng nasabing bayan.

Sa maikling panayam ng mga mamamahayag sa senador, pinangako nito na tutulong siya na maibsan ang suliranin ng mga Bulakenyo sa baha kapag may dumarating na bagyo.

“Gagawa tayo ng isang master plan sa lalong madaling panahon at band aid solution ang inaayos ngayon ng flood control pero siyempre yung master plan pa rin ang hinihintay natin para ma-solve yung problema sa baha,” ani senador.

Dagdag pa ni Sen. Revilla, “Basta po umasa kayo na hindi tayo magpapabaya sa ating tungkulin. Kaya nga po umiikot ako hindi lang dito sa Bulacan kundi maging sa iba pang lugar at tinitignan ko ang sitwasyon ng bawat lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao, especially ’yung mabababa na lugar o ’yung tinatawag na catch basin like nitong Bulacan at Cavite pero huwag kayong mag-alala at magtutulong-tulong po kami na ma-solve ang problema sa baha dito sa Bulacan.”

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Cruz at Cong. Boy Cruz kay Sen. Revilla dahil sa kanyang suporta at tulong na ibinahagi sa mga Bulakenyo. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments