Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTAng dinarayong bagong Patio ng Plaridel

Ang dinarayong bagong Patio ng Plaridel

NAGING pook pasyalan na ngayon ng bawat pamilyang Plarideleños ang kabubukas na sa publiko ang bagong bihis na sa barangay Poblacion sa bayan ng Plaridel, Bulacan. Umabot ng isang taon ang isinagawang rehabilitasyon sa nasabing patio na kinatatampukan ng mga monumento nina Dr. Jose P. Rizal, former Plaridel Mayor Jose Mariano at ng mga beteranong Bulakenyo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ayon sa ilang mamamayan ng Plaridel: “Napaganda na ng aming plaza kaya naman hindi nakasasawang balik-balikan ang parke dahil sa nakahahalinang anyo nito. Gabi-gabi kaming pumupunta dito sa parke dahil talaga namang nakaalis ng pagod ang mamasyal at magpahinga sa bagong plaza ng Plaridel. Natutuwa ang aming mga anak kapag nakikita ang makukulay na ilaw sa palibot ng parke.” Anang mga Plarideleños.

Ayon sa report, muling ikakabit sa isang bahagi ng Jose Mariano Park ang mga pananda ng Reporma sa Lupa at Comprehensive Agrarian Reform Program extension with reform (CARPer) matatandaan na ang Plaridel ang naging pilot area ng Land Reform Law sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulo Diosdado Macapagal.

Samantala, may inisyal na P14 milyon ang inilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing proyekto na inaprubahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP). Ang pangunahing naging pagbabago ng naturang parke ay ang pagpapantay nito sa tapat ng mismong patsada o harapan ng Munisipyo ng Plaridel.

Ang sentro nito ang rebulto ng bayaning si Dr. Rizal at kapantay ang busto naman ni dating Plaridel Mayor Mariano. Siya ang naging daan upang maipangalan sa panulat ng bayaning si Marcelo H. Del Pilar ang bayang ito mula sa dating pangalan na Quingua. Target matunghayan muli sa lantad na bahagi ng parke ang mga pananda kung kailan idineklara ni noo’y Pangulong Macapagal ang Plaridel bilang kauna-unahang Land Reform Area sa Pilipinas noong 1963.

Itatabi rito ang isa ring pananda kung saan dito sa Plaridel nilagdaan ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Agosto 7, 2009 ang pagpapalawig at pagkukumpleto sa Reporma sa Lupa sa bisa ng Republic Act 9700 o ang CARPer. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments