Thursday, January 23, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMauricio, Borlongan ’wagi sa Media 9-ball Championship

Mauricio, Borlongan ’wagi sa Media 9-ball Championship

BALAGTAS, Bulacan — Kapwa nasungkit nina Orlan Mauricio ng Manila Standard at Jun Borlongan ng Abante ang titulo sa kategoryang Class A at Class B sa katatapos lang na 2nd Centro News Invitational Media 9-ball Championship sa Goodshot Billiards and Cafe sa Brgy. Borol 1st, sa nasabing bayan noong Biyernes (Dec. 6).

Sa Class A category ay itinanghal na kampeon si Mauricio makaraang talunin si Sam Nielsen ng DZBB-GMA 7 sa score na 5-4 Race to 5 double knockout. Twice to beat para kay Mauricio matapos mangibabaw sa winners bracket.

NASUNGKIT nina Erick Silverio at Maverick Marcelo ang kampeonato habang 1st runner-up naman sina Oliver Mauricio at Gina Lopez at 2nd runner-up sina Eloisa Silverio at Sam Nielsen sa ginanap na Centro News 2nd Invitational Media 9-Ball Championship sa GoodShot Billiards and Cafe sa Borol 1st, Balagtas, Bulacan noong Disyembre 6, 2024.

Gayundin si Borlongan sa Class B category nang talunin si Allan Casipit ng UnliNews Online sa score na 5-4 Race to 5.

Kapwa naibulsa nina Mauricio at Borlongan ang tig-P10,000 premyo bilang kampeon at tig-P5,000 naman kay Nielsen at Casipit bilang 1st runner-up.

Samantala sa Doubles Category ay wagi naman bilang kampeon sina Erick Silverio ng Manila Times at Maverick Marcelo ng matapos gapiin sina Oliver Mauricio ng Metro News at Gina Borlongan ng D’ News Watcher sa Race to 3 battle sa score na 3-2.

Wagi rin bilang 2nd runner-up sina Oliver Mauricio sa Class A, Rannel Benedictos ng GMA-7 sa Class B,habang sa Doubles category 2nd runner-up ay sina Eloisa Silverio ng Saksi Ngayon at Sam Nielsen ng DZBB.

Ang nasabing media billiard competition ay inorganisa ng Centro News Online at local print na naka-base sa Bulacan.

Nagpasalamat naman ang Centro News sa mga lumahok na mamamahayag mula sa print, tv,at radio broadcast, online news gayundin sa mga sponsors sa matagumpay na tournament. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments