Friday, December 13, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTDalawang bersiyon ng kwentong ‘Sta Claus’

Dalawang bersiyon ng kwentong ‘Sta Claus’

DITO sa Pilipinas ay nakikiuso tayo sa Western culture tungkol sa istorya ni “Santa Claus”, na ikinakapit sa selebrasyon ng Pasko lalo na sa mga kanluraning bansa na mas sikat pa yata si Santa Claus kaysa kay Jesus Christ na siyang pinakatampok sa Christmas celebration dahil kung wala si Jesus ay wala ring selebrasyon ng Pasko.

Eh, bakit may Santa Claus? Saan ba galing ang tradisyon tungkol sa imaginary character na ito na palagi na lamang nagiging bahagi ng Pasko? Saan ba nanggaling ang kwento tungkol kay Santa Claus na paboritong paborito ng mga bata dahil sa kanyang kakatwang anyo na mataba at malaki ang tiyan at nakasuot ng pulang damit, nakasuot ng boots at may sombrero pa.

Mayroong dalawang bersiyon ang kwentong Santa Claus. Una ay si Saint Nicholas at ang pangalawang bersiyon ay ang popular na karakter na si ‘Santa Claus’, na nakasakay sa kareta (sleigh) na puno ng mga regalo habang hatak-hatak ng mga reindeer, ayon sa mga kwentong nasulat.

Ayon sa bersiyon ng Simbahang Katoliko, ang kinikilala nilang karakter ng Pasko ay si St. Nicholas, (c. 270-343 AD) ang obispo ng Myra, sa bansang Turkey. Ito raw si St. Nicholas ay kilala sa pagiging bukas-palad palabigay ng regalo lalo na sa mga bata. Isa sa mga katangian ni St. Nicholas ay ang palihim nitong pagbibigay ng perang coins na isinisilid sa nga medyas at marami pang istorya ng pagkakaloob ang naisulat sa mga dahon ng kasaysayan.

Noong taong 1822, ay kumalat ang isang kwento ng isang Protestante na si Clement Clark, ng New York City. Sa kanya umano nagmula ang kwentong barbero na si Santa Claus ay nakatira sa North Pole at buhat doon sumasakay siya sleigh (kareta) at hinahatak naman ng mga reindeer.

Dala umano ni Santa ang maraming regalo kung saan ay nililibot nito ang mga bansa habang sakay ng kanyang kareta sa panahon bg kapaskuhanAng kwentong ito ni Clark ay kathang isip lamang. Pero ang Simbahang Katoliko ay si St. Nicholas ang itinatanyag at hindi ang kathang-isip na Sta Claus na likha ni Clement Clark.

Ang masaklap, ang imahe ng Sta. Claus na iginuhit ni Clement Clark ang nabibigyan ng pansin at parang siya pa ang nagiging bida sa araw ng Pasko. Sa totoo lang si Jesus Christ ang pinaka sentro sa araw ng Pasko dahil siya ang nakasulat sa biblia, at suya ring katuparan ng hula ng mga propeta, hindi si Sta Claus at hindi rin si St. Nicholas. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments