PANDI — Naging maaga ang Pasko sa mamamayan ng Bayan ng Pandi nang magsimulang mamahagi ng Christmas Gift ang Team Puso at Talino (TPT) sa pangunguna ni Mayor Rico Roque.
“Isang simpleng handog mula sa amin, diretso sa inyong mga tahanan,
Tawanan, kaway, at hiyawan—lahat ng ito’y hatid na kasiyahan.
Kayo at ang Team Puso at Talino, magkakasama po tayo sa kwento ng Pasko,” ani Mayor Roque.
Ang Christmas Gift na ipapamahagi sa bawat mamamayan ng 22 Barangays sa Bayan ng Pandi ay bigas, grocery items at mga gamot.
Hindi naman magkamayaw sa tuwa at pagpapasalamat ang mga Pandieño kay Mayor Roque, Vice Mayor Lui Sebastian, Bokal Ricky Roque at mga Konsehal ng Team Puso at Talino na sina Kon. Jonjon Roxas, Kon. Monette Jimenez, Kon. Danny Del Rosario, Kon. Potpot Santos, Kon. Vic Concepcion at Kon. Nonie Sta. Ana.
Dalawang bagong mukha ngunit mga dati nang naninilbihan sa mga Pandieño ang kukumpleto sa Team Puso at Talino 2025 na sina Sec. Arman Concepcion at Dok Noel Esteban.
Masayang-masayang nagsilabasan mula sa kani-kanilang mga bahay ang mga solid green supporters nang magsimula ng umikot sa mga barangay at mamahagi ng Pamaskong Handog ang buong Team Puso at Talino.
Unang pinuntahan na TPT ang mga residente sa Barangay Manatal, Masagana, Malibong Bata at Malibong Matanda!
“Maraming salamat po sa ating mga Kapitan, Sangguniang Barangay, mga Pilak, HOA, sa mga President po ng ating Seniors at nga officers at mga miyembro ng Paskuhan Team,” dagdag pa ng alkalde.
“Tuloy-tuloy po ang ating pag-iikot sa mga barangay kaya abangan po ang inyong schedule mga ka-Pandieno,” pagtatapos ni Mayor Roque. (UnliNews Online)