Wednesday, December 18, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsBawal kumain, mag-cellphone sa loob ng simbahan -- CBCP

Bawal kumain, mag-cellphone sa loob ng simbahan — CBCP

BAWAL kumain at mag-cellphone ang mga Katoliko sa loob ng simbahan kapag nagdaraos ng Banal na Misa ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ito ang paalala sa mga kasapi ng Katoliko ni Fr. Jerome Secillano, rector ng EDSA Shrine at executive secretary ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng CBCP, kasabay ng pagsasagawa ng Simbang Gabi nitong Lunes (Dec. 16).

Ayon kay Secillano, ang pagkakaloob ng atensyon sa pagdaraos ng Banal na Misa ang pinakamataas na uri ng pagsamba.

“Kahit hindi naman Simbang Gabi, hindi dapat tayo kumakain sa loob ng simbahan, hindi umiinom ng tubig, hindi nagti-tinker sa cellphone kasi gusto natin ng active and full participation ng tao doon sa misa.”

“It’s not just rational but the proper thing to do. Pumunta naman tayo ng simbahan para magdasal. Hindi naman tayo pumunta doon para kumain o mag-relax lang. Tapos nakikipagkwentuhan pa tayo sa kaibigan natin. ‘Yung undivided attention ipakita natin because it is the highest form of worship,” paliwanag pa ni Fr. Secillano sa naging panayam nito sa Teleradyo.

Source: BALITA

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments