PLARIDEL, Bulacan — Nakibahagi si Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go, bilang Chairperson ng Senate Committee on Health, sa blessing at inauguration ceremony ng itinayong Super Health Center sa Barangay Sto. Nino, sa nabanggitna bayan, nitong Lunes (January 6).
Ngayong araw din kinilala ang senador bilang Adopted Son ng munisipalidad ng Plaridel at isa sa mga naging prayoridad ng senador ang pagpapatayo ng nasabing pagamutan at aabot sa kabuuang 700 Super Health Center sa buong bansa, kung saan 18 rito ang nasa lalawigan ng Bulacan.
Para kay Senator Bong Go, health is wealth. Kaya importante ang patuloy na pag-invest sa mga programa at pasilidad na tutugon sa ating pangangailangang medikal at pangkalusugan.
Nais tiyakin ng senador na maayos ang implementasyon ng pagpapatayo ng Super Health Centers sa bansa, kaya maigi niyang tinututukan ang mga itinatayong pasilidad na maglalapit ng serbisyong medikal sa ating mga kababayan.
Puwede na sa Super Health Center ang outpatient care, birthing, laboratory diagnostics; katulad ng x-ray at ultrasound; pharmacy services, ambulatory surgical units, at iba pa.
Nakasama niya ngayong araw sina Congresswoman Ditse Tina Pancho, Mayor Jocell Vistan, Vice Mayor Lorie Vinta, at iba pang local officials. Nakisaksi rin ang mga Barangay at Municipal Health Workers, Mother Leaders, at Barangay Nutrition Scholars. (UnliNews Online)