Sunday, March 9, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsLove and Blessing (LAB) virus program, isinagawa sa PRO3

Love and Blessing (LAB) virus program, isinagawa sa PRO3

CAMP OLIVAS, Pampanga — Namahagi ng handog-tulong sa mga estudyante na halos ay mga anak ng mga pulis sa Camp Olivas Child Development Center na nasa loob ng Police Regional Office 3 ang Philippine National Police Officers Ladies Club Foundation Incorporated (PNPOLCFI) na pinangunahan ng maybahay ni PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil na si Mrs Mary Rose Marbil.

Kasama ang iba pang miyembro ng foundation sa pamumuno ni PNPOLCFI President Mrs. Leilani Alba at Mrs. Ebeneza Maranan, PRO3 PNPOLCFI Adviser, namahagi si Mrs. Marbil ng mga regalo at school supplies sa 60 “day care center” pupils at nagbigay din ng isang split-type air conditioning unit bilang donasyon.

Samantala, nakatanggap naman ng kalahating kabang bigas, hygiene kits, grocery items at financial assistance ang 22 personnel ng PRO3 na may iniindang karamdaman.

Ang isinagawang aktibidad ng mga miyembro ng PNP-OLC Foundation ay bahagi nang pagpapalakas ng pangangatawan at kalusugan pati na rin pangangalaga ng moral ng PRO3 personnel at kanilang mga anak.

Nagpasalamat naman si PRO3 Director Redrico A. Maranan kay Mrs Marbil at sa PNPOLCFI.

“Ang LAB virus program ay isang inisyatibang lubos kong sinusuportahan. Ito ay hindi lamang isang programa, kundi isang makapangyarihang paalala na sa likod ng ating mga tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas ay ang obligasyon din nating pangalagaan ang ating mga sarili at ang bawat miyembro ng pamilyang PNP. Ang ganitong uri ng malasakit ay nagdudulot ng pag-asa at lakas para sa ating mga kawani, lalo na sa mga nangangailangan ng suporta sa panahon ng kanilang laban sa malulubhang karamdaman. Sa pagtutulungan natin, patuloy nating mapapatunayan na ang PNP ay hindi lamang tagapaglingkod ng batas, kundi tagapagtaguyod din ng pagkalinga at pagkakaisa,” dagdag pa ni RD Maranan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments