Monday, February 3, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionHindi hadlang ang kahirapan sa larangan ng edukasyon

Hindi hadlang ang kahirapan sa larangan ng edukasyon

ISA sa mga advocacy features ng isang educational institution ay ang partisipasyon nito sa community development ng kanilang nasasakupang lugar na nagpapatunay lamang na hindi kailan pa man magiging hadlang ang kahirapan para sa edukasyon ng kabataan.

Sa aking pakikipag-panayam kay Dr. Rey Balibago, president ng Oxfordian Colleges kamakailan ay naibahagi niya ang corporate social responsibility (CSR) ng kanilang eskwelahan. Nai-share niya din ang pagbibigay ng scholars sa mga estudyante na deserving makakuha nito at marami na siyang napag-tapos na nagtagumpay sa larangang kursong kanilang pinili.

MASAYANG sinalubong ng mga biktima ng sunog si Oxfordian Colleges president, Dr. Rey Balibago (2nd from L) at AKESMI CEO, Dr. Julio Castillo (extreme left) sa kanilang dalang donasyon ng trays of eggs bilang CSR ng eskwelahan. Apektado ang 24 pamilya at 119 na indibidual sa sunog na nangyari sa brgy. Paliparan 3 Phase 5 at Kasalukuyang naka-temporary sheltered ang mga biktima ng sunog sa covered court evacuation center ng Dasmarinas Cavite.

Nagsimula ang Oxfordian Colleges ng hindi madali at ito kanyang iginapang para lang maging isang katuparan hanggang ngayon at unti-unting nagiging matibay ang pundasyon.

Nakipag-huntahan ako sa canteen worker ng eskwelahan at nalaman ko na maluwag at matulungin talaga ang administrasyon ni Dr. Balibago.

Malaking tulong ang kanyang pag-kakaempleyo bilang isang single parent sa dalawang anak na nabigyan din ng eskolaship sa naturang paaralan.

Malaking utang na loob din sa isang dating estudyante na nabigyan ng iskolarship at nakatapos bilang isang guro na ngayon ay kanyang ibinabalik sa institusyon bilang titser at gabay sa mga mag-aaral ng eskwela.

Ang mga kwentong ganito ang nagbibigay inspirasyon sa mga magulang at estudyante na kulang at kapus ang pinansyal para matustusan ang mag-aaral.

Oo at mayroong public schools na libre nga pero limitado ang slots sa dami ng enrollees, at ito ay ‘dog eat dog’ competition para lamang makopo ang libreng iskolarship na hangad. Lalabas pa minsan ang ‘palakasan system’ ay ma-de-deprived kalaunan ang deserving students sa ganitong sistema.

Binuo ang roster of faculty members at Hawak ang pagkilala mula sa Department of Education, Itinatag ni Dr. Rey Balibago ang Oxfordian Colleges noong 2005 sa Dasmarinas, Cavite at sinimulang ang pagbubukas sa lahat ng antas ng edukasyon mula pre-iskul, high school at tertiary.

Kalaunan ay nabigyan ng akredistasyon mula TESDA at CHED. Ang mga kwentong ganito ang nagbigay inspirasyon sa administrasyon ng Oxfordian para paig-tingin at i-swak ang tuition fees ayon sa kakayanan ng magulang at estudyante.

Nagbukas ng oportunidad sa mga estudyanteng naghahanap ng kwalidad na edukasyon sa hindi kamahalang tuition fees ang institution na ito. Binuksan ang kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHRM), Bachelor of Science in Business Management (BSBM), at iba pa kabilang ang mga TESDA courses gaya nang 2-year Certificate in HRM, 2-year certificate in Computer Technology, Commercial Cooking, at iba pang kursong mapag-pipilian.

Inspirado ang pamunuan ng eskwela na Imentena ang quality education lalo na sa mga estudyanteng hindi kayang matustusan ng magulang ang nag-tataasang tuition fees ng mga nagsulputang eskwelahan sa lugar.

Nagpatunay ang partisipasyon ng Oxfordians sa kanilang CSR programs noong nag-donate ng mga trays ng itlog sa mga nasunugang kapitbahay sa palapala kasama ang inyong lingkod bilang katuwang sa programang ito.

Sana ay magbigay din ng maraming bilang na slots para sa scholarship programs ang ibang pribadong paaralan sa cavite nang ang lahat may pagkakataong makatapos ng kurso at maging isang responsableng miyembro ng komunidad. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments