Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsInaasahan na tuwing may eleksyon, may mga paninira!

Inaasahan na tuwing may eleksyon, may mga paninira!

KAPAG dumarating ang halalan, ay nariyan ang batikusan, paninira sa kalabang partido at personal na pag-ataki sa kandidatura at pagkatao ng isang politico. Wika nga ni Bulacan Gov. Daniel Fernando, sa kanyang talumpati, kapag Eleksiyon, nariyan na naman ang mga paninira.

Bilang peryodista, ay nakatatanggap at nakaririnig tayo ng mga sabi-sabi at impormasyong walang batayan at minsan ay salat sa katotohanan, mula sa ilan nating kababayan. Iba ay papuri at mga paninira laban sa kasalukuyang namumuno at mga tumatakbong politico sa halalang darating.

Sa talumpati ni Gov. Daniel Fernando, sa Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, nitong ika-03 ng Pebrero, ay binigyan diin niya ang mga paninira sa kanyang Administrasyon at pagkatao, ng ilang hindi nasisiyahan. Ika nga ng kasama kong reporter sa radio, siya man din ay nakatanggap ng masamang saloobin at paninira laban sa Gobernador, mula sa hindi napagbigyang lider ng isang grupo.

Tsk! Tsk! Tsk! Sa ating pananaliksik, upang matugunan ang talamak na pag-atake sa kanyang pamahalaan ng mga kritiko, si Gov. Fernando ay nagpatupad ng mga pamamaraan na naglalayon na mapaige ang komunikasyon at reporma sa pamamahala.

Binigyang-priyoridad niya ang transparency sa pamamagitan ng pagpapahusay ng pampublikong access sa data ng gobyerno, at mga proseso ng paggawa ng desisyon, ng sa gayon ay magpapatibay ng tiwala sa mga nasasakupan.

Kabilang dito ang mga regular na press briefing at pakikipag-ugnayan sa social media, upang kontrahin ang maling impormasyon at magpakita ng mga makatotohanang update, tungkol sa mga inisyatiba ng kanyang administrasyon.

Pinasimulan din niya ang mga programa sa pag-abot sa komunidad na kinasasangkutan ng mga lokal na stakeholder sa pamamahala, na nagpapahintulot sa mga mamamayan na direktang ipahayag ang kanilang mga alalahanin at lumahok sa mga solusyon.

Sa pamamagitan ng pagtutok sa maagap na pag-uusap at pagpapakita ng pananagutan sa pamamagitan ng nakikitang mga resulta sa mga serbisyong pampubliko, sinisikap ni Gobernador Fernando na bawasan ang mga kritisismo habang pinatitibay ang kanyang pangako sa kapakanan ng mga residente ng Bulacan. Hanggang sa muli! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments