Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTWarships ng China, pumasok sa teritoryo ng Pilipinas

Warships ng China, pumasok sa teritoryo ng Pilipinas

TALAGANG mapanghamon ito China. Akalain ba ninyo na tatlong barkong pandigma ng China ang walang sabi-sabing pumasok sa teritoryo ng Pilipinas. Unang na-detect ang pagpasok ng nasabing mga Chinese warship sa pagitan ng Mindoro.

Hindi pa nasiyahan ang mga Chinese navy ay dere-deretso pang naglayag ang Chinese warships sa archipelagic waters na nasa pagitan ng mga isla ng Pilipinas. Naglayag umano ang nasabing mga barkong pandigma sa loob ng maritime domain ng Sibutu Passage, at ang Basilan Strait.

Alam ninyo hindi basta-basta warship ang nasabing mga barko. Ang mga ito ay ang red high class cruise guided-missile/multi-role warship. Hindi lang barko ang kayang atakehin ng mga warship na ito kungdi maging aircraft, submarine maging ang mga pasilidad sa kalupaan at mayroon din ito anti-ballistic missile na kayang pasabugin sa ere ang ballistic missile ng kalaban.

Sa ating karagatan ang pinapayagan naman ang pagdaan ng mga barko ng ibang bansa basta’t mayroon lamang na diplomatic coordination. Pero itong mga barkong pandigma ng China na pumasok sa ating territorial waters ay walang koordinasyon sa Pilipinas at mabagal pa ang naging paglalayag ng nasabing mga sasakyang pandagat na may bilis lamang na four to five knots, ayon sa ulat.

Kaya sinundan ng dalawang patrol aircraft ng Philippne Air Force at nag-dispatch din ng mga barkong pandigma ang Philippine Navy at binuntutan ang mga warship ng China kasabay ng ng radio challenge sa mga sundalong Intsik pero iginiit ng mga ito ang freedom of navigation at ang innocent passage.

Sa totoo lang, hindi dapat na pinapoporma iyang mga barko ng China lalo na ang People’s Liberation Army Navy. Hindi dapat nakakalapit sa ating archiphelagic water ang mga barkong iyan dahil tahasang pagyurak sa ating soberanya ang kanilang ginagawa.

Matatandaan na kung ilang beses nang hinaras ng China Coast Guard ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard. Naroong ginamitan nila ng malakas na water cannon ang barko ng PCG at maraming beses nila iyong ginawa kaya mahirap magtiwala sa China dahil pawang taliwas sa katotohanan ang kaniang pinagsasasabi. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments