Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTMalakas na karisma ni Gov. Daniel Fernando

Malakas na karisma ni Gov. Daniel Fernando

KUNG bansagan kaming mga mamamahayag ay mga medyang-gala at totoo naman na kami ay pagwikaan ng gayon dahil bahagi na ang aming propesyon ang gumala upang maghanap ng maibabalita sa mga lugar sa lalawigan ng Bulacan na aming pinupuntahan.

Kamakailan ay napagawi kaming magkakasama sa Lungsod ng Meycauwayan dahil may dinaluhang pagtitipon doon sina Governor Daniel R. Fernando, at Vice Governor Alexis C. Castro. Sa entablado ay naabutan nagsasalita sina Gov. Fernando at Vice Gov. Castro. Naroon din sa stage sina Meycauayan City Councilor Manny Alarilla at Coun. Mariposa Cabigquez.

Mayroon kasing ng pamamahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo ng Barangay Poblacion sa nasabing siyudad na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinaksihan nina Fernando, Castro, Alarilla at Cabigquez ang nasabing cash aid distribution.

Habang nagsasalita si Gov. Fernando at tinitingnan ko ang reaksyon ng mga tao. Talagang mainit ang naging pagtanggap ng mga Meycaueños kina Gov. Daniel at VG Alex. Palibhasa ay actor-turn politician si Fernando, talagang nakatatak na sa puso at isipan ng mga Meycaueños si Gov. Fernando. Sa tuwinang nagbibiro si Gov Fernando ay napapatili naman ang mga kababaihang naroon. Patunay lang na iba ang hatak sa masa ng kandidatong artista.

Sina Fernando at Castro ay kapwa tumatakbo sa dati nilang mga posisyon gobernador at bise gobernador. Pero sina Mariposa at Alarilla ay kapwa tumatakbo sa mataas na posisyon. Si Mariposa ay tumatakbo sa mayoralty race at si Alarilla ay vice mayoralty race sa Meycauayan.

Sina Alarilla at Cabigquez ay kaalyado ni Gov. Fernando kaya umaasa ang mga tagasuporta ng dalawang kandidato nasa kanila ang suporta ni Gov. Fernando at dahil malakas pa rin ang karisma sa mga mamayan ni Gov. Fernando, umaasa ang mga tagasuporta nina Alarilla at Cabigquez na mahahatak ng popularidad ni Fernando sina Manny at Mariposa.

Habang kami ay naroon sa lugar ay hindi namin sinayang ang pagkakataon. Nagtanong-tanong kami sa mga Meykawenyo na naroon at aming sinabi kung sinong kandidatong gobernador at bise gobernandor ang kanilang iboboto sa darating na May12 2025 midterm election ay walang pasubali nilang sinabi na sina Gov. Fernando at Vice Gov. Alex Castro ang kanilang iboboto. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments