LUNGSOD NG MALOLOS — Kumpleto na at maaari nang madaanan ang bagong apat na linya ng Labangan Bridge 1 Manila North Road sa bahagi ng Calumpit, Bulacan.
Ang dating dalawang linya na tulay na tumatawid sa ilog Angat na ngayo’y apat na linya na pangunahing daan patungo sa Malolos at sa Tabang Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) via Metro Manila.
Dito rin dadaan ang mga motorista na manggagaling sa Lungsod ng Malolos na papunta sa kabayanan ng Calumpit at Apalit sa Pampanga.
Ayon kay District Engineer Henry Alcantara ng Bulacan DPWH 1st District Engineering Office, ipinantay umano ang pinalapad na tulay sa kasalukuyang apat na linyang Manila North Road na kilala bilang Mac Arthur Highway.
Dagdag pa nito na nasa P100 milyon ang ginugol ng naturang ahensiya para sa proyektong ito. (UnliNews Online)