LUNGSOD NG SAN JOSE CITY, Bulacan — “’Yung masterplan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para solusyunan ang malawakang pagbaha sa bansa lalo na sa lalawigan ng Bulacan ay mai-present na nila, hopefully this year, dahil yan ang problema natin at kunting ulan lang ay grabe na ang dulot na baha.”
Ito ang naging sagot ni Senator Ramon Revilla sa mga mamamahayag nang kapanayamin matapos ang matagumpay na campaign rally ng senatorial slate ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa nabanggit na lungsod.

Binigyang-diin ng senador ang agarang pangangailangan para sa isang komprehensibong master plan upang matugunan ang lumalalang problema sa pagbaha sa bansa.
Dagdag pa ni Revilla, re-electionist na senador, “hindi pupuwede na “patchi-patchi” lang ang paggawa ng flood ways natin. Hindi puede ang bungi, kailangan talaga ay may masterplan na ating tutukan kapag muli akong naihalal ng taumbayan bilang senador.”
“Ang mahalaga ay ang masterplan para matugunan ang pagbaha na itinutulak ng ating Pangulo (Ferdinand R. Marcos Jr.). “Kaya sa DPWH, dapat ay magtrabaho sila at kailangan ay tutukan nila ang problema na ’yan sa pagbaha,” dagdag pa nito.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ang nangungunang ahensyang nagpapatupad para sa Flood Management Master Plan para sa Metro Manila at Surrounding Areas Project, sa malapit na pakikipag-ugnayan sa mga local government units.
Inihain naman ni Senator Revilla, sa kanyang naging talumpati sa taumbayan ang kanyang mga nais pang isulong sa Senado kabilang na dito ang pagtataas sa kalidad ng edukasyon, at pagbibigay lalo ng prayoridad sa mga senior citizen.
Ibinida rin Revilla sa kanyang mensahe na nakapagsulong siya ng mahigit 2,000 panukalang batas at nakapagpasa ng 343 na batas na ngayon tulad ng anti-no permit, no exam policy na naging batas na at pinagbabawal na sa mga eskwelahan. Siya ay nanungkulan na at nagsilbi sa bayan sa loob ng 30 years sa serbisyo publiko.
“Ang inyong kaibigan na si Bong Revilla ay lumaban sa mga dumating na pagsubok sa kanya, at pinatunayan na walang kasalanan. Sabi ko nga kahit anong pagsubok sa ating buhay ay huwag tayong susuko,” saad pa ng senador.
Anito, mintis na sinasaktan siya at sisugutan ay mas lalo siyang nag-iinit na makapaglingkod sa taumbayan.
Ipinangako naman ng senador ang dekalidad na serbisyo sa bawat Pilipino kung sakaling muling manalo bilang senador. Maraming salamat at tandaan No. 11 sa balota. (UnliNews Online)