Monday, March 3, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSuporta sa mga magsasaka, prayoridad ni Abalos kapag nanalong senador

Suporta sa mga magsasaka, prayoridad ni Abalos kapag nanalong senador

Pabor na tanggalin ang 12% VAT sa kuryente

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Itinutulak ni dating Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang isang decentralized approach’ sa mga local government units (LGUs) upang masuportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka na siyang magiging prayoridad kapag naupong senador.

Ito ay kanyang naranasan habang siya ay alkalde sa Mandaluyong City, sa ganitong sistema ay LGU mismo ang bumibili ng mga sobrang ani ng mga magsasaka mula sa Nueva Ecija.

Ani pa ni Abalos, “isipin ninyo kung lahat ng LGUs gagawin ito, may ready market ka na agad for the farmers. Direkta na, at hindi lang ‘yun, ‘yung mismong puhunan galing na sa LGU itself.”

Idinagdag pa ni Abalos na maaaring magbigay ang pamahalaan ng mga puhunan at mas kayang crop insurance para sa mga magsasaka.

SERYOSONG ipinapaliwanag ni dating Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga Bulacan-based reporters ang kanyang pananaw sa panukalang alisin ang ipinapataw na Value added Tax (VAT) sa kuryente upang bumaba ang singil sa mga consumers. (Kuha ni Manny D. Balbin)

“Ang San Jose del Monte po ay isang ehemplo ng isang LGU (local government unit) na talagang napaka-unlad. Kitang-kita naman po natin ang pagbabago ng San Jose del Monte. Ako po ay nanggaling sa local government at isang pangunahing adbokasiya dito ang pagreporma ng local government,” dagdag pa ni Abalos.

Iba’t iba ang naging pananaw nang mga senatorial bet ng Alyansa sa panukalang alisin ang ipinapataw na Value added Tax (VAT) sa kuryente upang bumaba ang singil sa consumers.

Sa isinagawang press conference sa Hotel Savano bago ang campaign rally ng senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas nitong Friday (Feb. 28) sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, Ipinahayag ni Abalos na isa sa paraan upang matulungan ang mamamayan na makaagapay sa mga gastusin ay ang alisin ang VAT sa kuryente.

Ayon kay Abalos na noong siya pa ang kongresista ng Mandaluyong, tinutulan niya ang batas sa pagpapataw ng VAT sa kuryente dahil malinaw na dagdag pasanin ito sa mamamayan.

MALUGOD at walang katulad na kasiyahan ang nadama ng mga Bulakenyo nang magisnan ang dating secretary ng DILG na si Benhur Abalos ng dumating sa isinagawang campaign rally ng mga senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas nitong Friday (Feb. 28, 2025) sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. (Kuha ni Manny D. Balbin)

Dagdag pa nito, kung maibababa ang gastusin sa elektrisidad sa bansa, mas marami pang investors ang mahihikayat na maglagak ng puhunan sa Pilipinas na kinalaunan ay magdudulot ng dagdag na trabaho para sa mga Pilipino.

Sa kabilang banda, sinabi ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, ang campaign manager ng Alyansa, na ang kaganapan sa City College of San Jose Del Monte Grounds ay bahagi ng nationwide push ng administration coalition para sa good governance, economic empowerment at social justice.

Ang Bulacan, isa sa mga lalawigang may pinakamaraming boto sa bansa, ay mayroong 2,173,026 na rehistradong botante para sa midterm elections sa Mayo 2025, na ginagawang isang mahalagang paghinto ang SJDM sa kampanya ni Alyansa.

Kasama sa tiket ng Alyansa sina dating Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, dating Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senador Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “TolC Tolentino Representative at ACT” Social Welfare Representative at ACT. Si Deputy Speaker Camille Villar. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments