Sunday, March 9, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsPhilRice naghahandog ng leadership camp para sa mga kabataan

PhilRice naghahandog ng leadership camp para sa mga kabataan

LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ — Nagbibigay ng leadership training ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa mga kabataan.

Ito ay ang “Be RICEponsible Leadership Camp” na bukas para sa mga edad 10-15 at 16-18.

Ayon kay PhilRice science research specialist Lorelie Vee Domingo, layunin ng pagsasanay na mahubog ang prinsipyo ng mga kabataan sa pamumuno, na mayroong malawak na kamalayan sa kahalagahan ng agrikultura.

“Ang pagsasanay na ito ay para sa susunod na henerasyon ng mga lider ng lipunan, tampok ang pagbibigay ng kaalaman sa kahalagahan ng rice science, pagiging RICEponsible at may malasakit sa kapakanan ng mga magsasaka,” pahayag ni Domingo.

Maliban sa mga aral ng pagiging responsableng lider ay nararanasan din ng mga kalahok ang mga aktwal na aktibidad sa sakahan tulad ang pagtatanim ng palay, machine demonstration, rice art session, at paglahok sa mga talakayan tungkol sa rice science.

Ang bawat batch ng leadership camp ay binubuo ng 20 kalahok.

Kamakailan ay 20 student-leaders mula sa lungsod agham ng Muñoz ang naging bahagi ng Be RICEponsible Leadership Camp na ginanap sa RICEsParK, na matatagpuan sa loob ng compound ng PhilRice.

Dito ay inilarawan ni Jo Manglicmot, isa sa mga estudyanteng kahalok, ang RICEsParK bilang kanyang paboritong lugar ng pagkatuto.

Aniya, hindi lamang siya natutong maging RICEponsible, kundi natutuhan din niya kung paano maging isang epektibong lider.

“Mas naunawaan ko ang paghihirap ng ating mga magsasaka at natutuhan ko rin kung gaano kahalaga ang kultura ng agrikultura sa mga Pilipino,” pahayag naman ni Prince Aj Avila ng Linglingay Elementary School.

Bukod sa mga aral ng pagiging responsableng lider, natutuhan din ng kabataan ang farm machine operation, Minus-One-Element Technique, at ang paggawa ng rice mosaic art.

Para sa detalye ng reservation sa leadership camp ay maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0925-748-0214 o sa email address na philricecommunityrelations@gmail.com.

Source: PIA Region 3/Camille C. Nagaño

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments