LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Arestado ang anim na suspek na sangkot sa iligal na droga noong Friday ng madaling araw (March 7) sa Daang Bakal, Barangay Catmon sa nabanggit na lungsod.
Narekober ng Malolos PNP Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga suspek ang 14 na pirasong ng mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang na humigit-kumulang 12 gramo at ngkakahalaga ng P81,000.00.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
“Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi nang ating patuloy na kampanya laban sa iligal na droga. Patuloy tayong magtutulungan upang masugpo ang salot sa ating lipunan,” Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, City of Malolos chief of police. (UnliNews Online)