Thursday, March 13, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsP600M expired imported meat na ginagawang hotdog at siomai sa Meycauayan, nasabat!

P600M expired imported meat na ginagawang hotdog at siomai sa Meycauayan, nasabat!

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang cold storage warehouse sa Meycauayan ang sinalakay ng mga otoridad noong Miyerkules (March 12) at nasamsam ang mga expired frozen meat na nagkakahalaga ng P600 milyon na diumano ay muling isinasailalim sa reprocessing, relabeling at repackaging saka ibinibenta sa mga pamilihan.

Base sa ulat, pinasok sa bisa ng Search Warrant ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon Regional Office ang bodega sa naturang lungsod kung saan nakita ang mga kahon-kahong imported meat products na nabubulok at inaamag na.

ANG mga expired frozen meat na muling ginagawang hotdog at siomai ay nasamsam sa isang cold storage warehouse sa lungsod ng Meycauayan. (GMA -7 Integrated News)

Ayon kay Atty. Aires Manaloto, NBI agent, “may mga uod na at inaamag pa at para ma-save nila yung mga nasambit na produktong karne, ito ay muling nire-reprocess. gini-grind at ginagawang siomai at hotdog. They are re-labelling the products to make it appear na hindi pa ito expired.”

Natunton ang naturang cold storage warehouse sa Meycauayan sa tulong ng isang impormante at nabatid na ang ibang karne na nasamsam ay expired na mula pa noong taong 2020 at 2021.

Base naman sa naging panayam ng GMA-7 Integrated News kay NBI Central Luzon Regional Director Jun Carpeso, sinabi nito na may dalang panganib sa kalusugan ang mga karne kapag nakain dahil hindi na fit for human consumption.

Itinanggi naman ng legal representative ng kompanya na si Atty. Oliver Santos, ang mga alegasyon laban sa kaniyang kliyente.

Nang tanungin kung bakit may mga bulok na karne sa bodega, sinabi ni Santos na, “We will confer with that with our client because we will answer all allegations because it will already touch on the merits, on the proper forum”.

Nais naman ni NBI Director Jaime Santiago ang agarang madispatsa ang mga nakumpiskang karne para hindi na maibenta sa merkado.

Source: GMA -7 Integrated News

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments