WALANG KWENTA at politically motivated, iyan ang wika ni Gov. Daniel Fernando, hinggil sa mga paratang at paninirang puri na ipinupukol sa kanya ng mga taong hindi nasisiyahan sa kanyang panunungkulan.
Para kay Gov. Fernando at VG Alex Castro, tuloy-tuloy lang ang serbisyo sa taumbayan. Ang mamamayan ang siyang hahatol sa inyong nagagawang kabutihan, kagalingan at sila ang muling magluluklok sa kapangyarihan, hindi ang iilang kritiko.
Batay sa ating pananaliksik at pagtatanong, ang paninirang-puri at insulto sa reputasyon ng isang tao ay maaaring labanan sa pamamagitan ng kumbinasyon ng legal na aksyon, maagap na pamamahala sa reputasyon, at epektibong mga pamamaraan sa komunikasyon. Kasama sa mga legal na remedyo ang paghahain ng demanda sa paninirang-puri upang humingi ng bayad pinsala o injunction laban sa pagkalat ng mga maling pahayag.
Ang aktibong pamamahala sa reputasyon ng isang tao ay ang pagsubaybay sa online presence, agarang pagtugon sa mga negatibong komento, at pagsisikap sa relasyon sa publiko upang isulong ang mga positibong salaysay.
Ang malinaw na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder at sa publiko ay makakatulong na linawin ang mga hindi pagkakaunawaan at kontrahin ang mga mapanirang-puri na pahayag bago ito lumaki.
Tsk! Tsk! Tsk! Sa isang banda, kung may umaatake sa sinuman, huwag na silang pansinin, subalit iulat ang pangyayari sa tamang forum o lugar. Sa lupon ng mga bihasang taong, na may mga patakaran laban sa panliligalig at paninirang-puri, at upang makagawa ng aksyon para protektahan ang mga inaakusahan.
Habang ang mudslinging ay isang karaniwang taktika sa halalan, hindi ito palaging epektibo. Ang mga botante ay may kamalayan na sa mga taktika na ginagamit ng mga naninira sa pulitika, at maaaring mas malamang na hindi sila maimpluwensyahan ng mga negatibong pag-atake.
Mahalagang tandaan na hindi makokontrol ang kilos ng iba, ngunit makokontrol mo kung paano ka tumugon.
Nais nating batiin ang mga taong matulungin sa oras ng pangangailangan. Ang ating mga babanggitin ay kusang loob na nag-alay ng tulong, ng ang ating e-bike ay huminto sa pagtakbo, dahil nadiskarga ang baterya, hanggang sa maayos na makauwi ang inyong Katropa, ito ay sila: FO1 Lyndole P. Alferos, Records Custodian, Municipal Fire Department ng Bayang Pandi. Mula naman sa Pandi PNP ay sina Patrolman Geraldviernes Ricardo, PNP Force Multiplier Ronald Buag at P/Lt. Col. Rey Apolonio, Hepe ng nasabing PNP Station. Mga maaasahang lingkod bayan! Mabuhay at maraming salamat po! Hanggang sa muli. (UnliNews Online)