ANG mga political bigwig sa lalawigan ng Bulacan tulad nina Gov. Daniel R. Fernando, tumatakbong muli sa pagka gobernador ng Bulacan ay mayroong partylist na sinusuportahan gayundin naman si Malolos City Mayor Christian D. Natividad, na tumatakbo rin sa pagka alkalde ng Malolos ay mayroon din partylist na sinusuportahan.
Si Gov. Daniel ay suportado niya ang Damayang Filipino Partylist (#76) dahil siya kasi ang founder ng DMFI kaya hanggang sa paglahok nito sa midterm elections bilang partylist ay buhos ang kanyang suporta. Ang first nominee sa Damayan Partylist ay ang kapatid na babae ni Gov. Fernando na si Athenie R. Bautista. Nakapagsagawa na ito ng napakaraming serbisyo publiko tulad ng medical mission, training program, feeding program, libreng medical check up, libreng gamot, libreng nebulizer, libreng BP apparatus, libreng masahe, libreng gupit, libreng pustiso, burial, tulong pinansiyal at marami pang iba.
Napag-alaman kay Fernando na ang Damayang Filipino Movement Inc. mula ng itatag ay wala umano siyang planong gawing partylist, subalit sa dami umano ng mga Bulakenyong nangangailangan ng tulong, ay nagdesisyon siyang gawing partylist ang DMFI para maging malawak ang serbisyo nito at magkaroon ng tinig sa Kongreso.
Ito namang Apat Dapat Partylist (#48) ay minsan nabanggit sa aming mga Bulacan reporters ni Mayor Natividad dahil tinanong namin siya kung anong partylist ang kanyang susuportahan. Sinabi ng alkalde na ang partylist na kanyang susuportahan ay ang Apat Dapat Partylist na ang first nominee ng Apat Dapat Partylist ay si Karen Dumancas.
Ayon sa mga programang isusulong ng Apat Dapat Partylist, kapag ito ay pinalad na maluklok sa Kongreso ay tututukan nila ang mga aspeto ng Trabaho, Kalusugan, Agrikultura, at Edukasyon na handang umagapay sa bawat Pilipino. Handang magbigay ng tulong medikal sa mga nangangailangan.
Prayoridad nila umano ang kalusugan ng bawat Pilipino at ito ay kanilang titiyakin. Mababang halaga ng makabagong pataba at farm inputs para sa mga magsasaka ay isusulong din umano ng grupo para sa masagang ani ng mga magsasaka. Napakahalaga umano ng aspetong pangkalusugan ng Apat Dapat Partylist dahil maraming mahihirap na Pilipino ang nangangailangan ng ayudang pangkalusugan kaya mahalaga na ito ay matutukan. (UnliNews Online)