HUMINGI ng paumanhin ang suspek sa naganap na road rage shooting incident sa Barangay Boso-Boso, sa Antipolo City noong Linggo (March 30).
“Sa nakaaway ko nung road rage, humihingi po ako ng tawad sa nagawa ko. Dahil sa init lang po ng ulo, mainit po ulo namin pareho, dahil po sa aking pagkakabugbog eh nawala na po ako sa aking sarili, dahil masakit na po yung nararamdaman ko eh,” wika nito sa isang interview ng media.
“Nagmamadali lang naman po talaga ako nu’n kasi naka-hazard po ako, sila lang po itong nagbigay ng komosyon. Humihingi na po ako sa kanila ng paumanhin. Yung isa pong naka-helmet po talaga eh masyado pong mainit talaga eh. Sabi ko sa kanya, ’Tay, ‘wag ka masyadong mainit.’ Sabi kong ganon. Hanggang sa pinagmumura po ako, tapos natamaan po ng kamay niya yung brother ko sa nguso, ta’s dun na po kami nag-init dalawa. Dun na po kami nag-suntukan,” pahayag niya.
Kasabay nito, natanong din ang suspek kung paano nauwi sa pamamaril ang naturang insidente.
“Hindi ko naman po talaga sinasadya yun. Nadala lang po talaga ako ng emosyon. Alam ko naman pong gun ban, pero ’di ko naman po yun dinala dahil para sa ganyan po. Nagkataon lang po talaga na nadyadyan lang po kasi lagi yan sa sasakyan ko para iwas ko na rin po para sa mga anak ko,” paliwanag naman nito.
Source: PSN/Michael Vargas
Photo: Credit to the owner