LUNGSOD NG MALOLOS — Dineklarang overall champion ang lalawigan ng Bulacan sa katatapos lang na 2023 Central Luzon Regional Athletic Association (CLARAA) sports competition.
Nakamit ng Bulacan ang pinagsama-samang 104 gold medals, 68 silver at 55 bronze habang pumangalawa ang probinsiya ng Bataan na may 34 gold medals, 47 silver at 49 bronze at pumangatlo ang Lungsod ng Olongapo na may kabuuang 32 gold medals, 34 silver at 43 bronze.
Malugod namang binati ni Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro ang mga atletang Bulakenyo na nagpakita ng husay at galing sa larangan ng palakasan sa buong Central Luzon. (UnliNews Online)