Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational News'No Sail Zone’ sa Balikatan live fire exercise

‘No Sail Zone’ sa Balikatan live fire exercise

ZAMBALES — Pansamantalang ipinagbabawal ang paglalayag ng anumang uri ng mga sasakyang pandagat sa bisinidad malapit sa Naval Education and Doctrine Training Command (NETDC) sa bayan ng San Antonio kung saan isinasagawa ang littoral live fire exercise ng Balikatan 2023.

Ito ay batay sa inilabas Notice to all Mariners Number NSD 077-2023 ng Philippine Coast Guard (PCG) na may petsang March 9, na implementasyon umano ng “No Sail Zone” dahil paglahok ng PCG sa isasagawang PH-US Balikatan Exercises sa Abril 25 hanggang 27, 2023.

Mahigpit ang tagubilin para sa mga resort establishment owners na pagbawalan ang kanilang mga bisita na magkaroon ng anumang aktibidad sa baybaying-dagat.

Maging sa San Felipe ay nagpalabas din ng advisory si Mayor Reinhard Jeresano noong Abril 19 para sa mga mangingisda at beach resort establishment owners ng No sail zone at no beach activities sa kanyang munisipalidad habang ginaganap ang naturang military exercise.

Source: Ang Pahayagan

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments