HINDI raw totoong dahil sa hectic schedules nila ni Alden Richards kaya na-postpone ang pelikulang dapat na pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.
Ang totoo raw nito ay nag-back out na ang aktres
Eto ang ni-reveal ni Bea sa programa ni Kuya Boy Abunda, “Fast Talk with Boy Abunda.”
Sa relis na binahagi ng management na humahawak sa career ng aktres ay full schedule na umano ito.
Ayaw naman daw ni Bea maghintay ang mga ito sa kanya.
Dapat ay sa “A Special Memory” magsasama ang dalawa.
“In the spirit of fairness, we deemed it appropriate to advise the producers of Special Memory, a movie adaptation of A Moment to Remember, that Ms. Bea Alonzo had to respectfully beg off from this movie project due to her full schedule this year.”
Pero may obligasyon pa rin daw si Bea sa GMA. (UnliNews Online)