LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang bahagi ng proyekto ng Local Anti-Drug Council at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), kinilala ng Pamahalaang Lungsod ang karagdagang 4 na barangay na itinuturing na drug-free ngayong Lunes (May 29).
Ang mga karagdagang barangay na nabigyang pagkilala bilang drug free ay ang Barangay Anilao, Dakila, Liang at Pamarawan.
Dumalo sa nasabing pagkilala sina Mayor Christian D. Natividad, Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, Konsehal Michael Aquino, Konsehal Abgdo. Niño Bautista, Konsehala Ayee Ople, City Administrator Joel Eugenio, Police Lieutenant Colonel Andrei Anthony S. Manglo, Malolos City director at ilang kawani ng Malolos City Police Station.
Kaugnay nito ay patuloy ang pagpapaigting ng Malolos police ng kampanya kontra iligal na droga upang makamit ang pagiging drug cleared City.
Hinikayat din ni P/Lt. Col. Manglo ang publiko na huwag mag-atubiling magsumbong sa kapulisan kung may mga namomonitor na illegal drug activities upang masawata ang ganitong mga gawain. (UnliNews Online)